Saglit

4 1 0
                                    

@Ginoong_Gwapo

Saglit, hintayin mo ang tayo
Walang dapat madaliin mahal ko
Sandali, lalaban pa
Walang bibitaw, hindi ba?

Hihintayin kahit gaano kahaba
Basta sa loob nito'y walang hihiwalay sating dalawa
Irog ko, saglit pa
Doon na rin tayo papunta

Sa altar, kung saan lahat na ay totoo
Wala nang hahadlang, ilan pa mang tao
Tayo at tayo hanggang dulo
Basta saglit pa mahal ko

Laban lang nang laban ha
Ito, sandali pa
Papunta na
Sa hinaharap na kasama ka

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon