Kilig

3 1 0
                                    

@Ginoong_Gwapo

Isang pakiramdam na ayaw nang maglaho
Nang sayo'y madama, 'di na nais magbago
Sana laging ganito mahal ko
Ngunit alam nating may hangganan ito

Susulitin bawat oras na may kilig
Katumbas nito'y mga panahong may pag-ibig
Ngunit mahal kita kahit wala nito
Sapagkat 'di naman kilig ang habol sa iyo

Kundi ikaw mismo irog ko
Ikaw na nagbigay kulay sa aking mundo
Ang iyong tawa at boses na kumikiliti
At madalas pang ako'y pinapatili

Hay buhay ng alaga ni Akira
Saglit nga ako'y kinikilig pa
Hindi naman na sana magtapos ito diba?
Kilig tawa at saya, laging babalik yan sa ating dalawa

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon