Imahinasyon

6 2 0
                                    

@Ginoong_Gwapo

Naliligo sa malakas na ulan
Patak nito'y tumatalsik sa katawan
Magkahawak-kamay habang ngiti mo'y tinititigan
Tila puso'y tumatalon sa kagalakan

Natupad na nga ang aking pangarap
Parang naabot ko ang sariling alapaap
Kasama ka at kinakantahan
Kahit tayo ay basa na ng ulan

Gusto ko nalang malunod sa sariling imahinasyon
Puno ng saya, ng kilig, ayaw ko nang umahon
Ngunit kung hindi ko haharapin ang tunay na mundo
Paano makakamit na ito'y magkatotoo?

Halos mabihag mo ang aking pagkatao
Hanggang sa panaginip, tila lumulutang ako
Sa iyong walang sawang pagmamahal
Na sana ay hindi magbago at tumagal

Mahal na mahal kita
Kahit saan ka man sa mapa
Sa imahinasyon man tayo nagkikita
Ikaw at ikaw lang hanggang tayo ay magkasama

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon