Pagsubok

3 2 0
                                    

@Ginoong_Gwapo

Ilang beses na tayong dumaan sa ganito
Tadhana'y napakaraming binabato
Madalas namang tinatamaan ang tayo
Ngunit wala, walang planong sumuko

Hawak-hawak ang iyong kamay
Nalamang napakaganda ng buhay
Nang dumating ka sa akin
Luminaw ang pagtingin

Tila isang istoryang nagkatotoo
Dalawang taong nagkatagpo
Sa pambihirang pagkakataon ng mundo
Sabay na nilalampasan ang mga problemang ito

Magkasamang nagdadasal sa Ama
Laging, sana, sana tayo nga
Sana matapos na ang hindi pagkakaintindihan
Sana magwakas ang bangayan

Dahil, hinahanap ang isa't isa
Sa kabila ng kung ano mang nangyayari
Laging, nasaan ka na
Mahal kong Akira

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon