Binhi ng Pag-ibig: espesyal na pahina

5 2 4
                                    

@Ginoong_Gwapo

Nakasulat sa ika-unang libro
Ang pagtanim ng binhi ng pag-ibig
Ito ngayo'y patuloy na lumalago
Sa kabila ng maruming daigdig

Mga sakunang halos magpatumba
Niyayanig ang mga sanga
Ang ugat ay patuloy na kumakapit
Sa kabila ng nararamdaman na sakit

Patuloy sa paglaki
Tila napakabilis ng nangyari
Parang kahapon lang, patubo pa lamang
Ngayo'y isa nang matangkad na puno sa gitna ng ilang

Sa pamamagitan ng tamang pag-aalaga
Ninais ng punong ito ang maging matatag
Ngayon, mga daho'y sa langit nakatingala
Nagpapasalamat sa nakukuhang liwanag

Nagtapos ang unang libro sa pinakamagandang dulo
'Ang binhi ng pag-ibig ay lumago nang lumago
Lumaki hanggang sa naging matatag na puno
"Puno ng pag-ibig" kung ngayon na ay maituturing sa susunod na libro'

----------------------------
HAPPY FIRST ANNIVERSARY TO US, AKIRA.

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon