Dalawamput-Apat

6 1 3
                                    

@Ginoong_Gwapo

Dalawamput-apat na oras
Sa bawat dalawamput-apat na araw
At nung ika-dalawamput-apat
Nakilala ko ang aking katapat

At ngayong ika-dalawamput-apat ng Disyembre
Pakinggan at basahin ang aking mensahe
Na mula sa tunay na nadarama
Para sayo aking sinisinta

Ito man ang huling pahina
Ng librong puno ng tula
Na para sa iyo ay hindi naman titila
Ang puso kong tumitibok sa iyo sinta

Sa bawat dalawamput-apat na oras
Minsan, damdamin ay gustong magpumiglas
Sapagkat patuloy na isinisigaw
Ang iyong pangalan sa kada araw

Bilangin mo na rin
Ang bawat dalawamput-apat na araw sa atin
Na gustong mapunta sa dalawamput-apat na buwan pa
Hanggang ang dalawamput-apat na buwan ay mapuntang dekada

At alam mo ba kung bakit naging mas espesyal pa?
Dahil sa ika-dalawamput-apat ng Abril kita nakuha
Binihag sa aking mga bisig
Pinadama sa isa't isa ang pag-ibig

Alam mong, napakalayong tayo'y magkita
Napakaimposible na makasama ka
Ngunit patuloy na maghihintay
Hanggang sa ika-dalawamput-apat na buhay

—————————
mahal kita.

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon