Ika-24 ng Abril

3 2 0
                                    

@Ginoong_Gwapo

Gumising akong kumikinang ang araw
Malakas ang sikat, nakakasilaw
Ito na pala ang oras na siya'y mapapasaakin
Kay gandang dilag na dati'y sa panaginip lang naaangkin

Mga bituing naglalaro sa kanyang mga mata
Ngiti sa mga labing sana'y ako ang may gawa
Napakasarap titigan, kasiyaha'y nakikita
Nawa'y hindi ito mawala

O, bakit ba ganito ang aking nadarama
Puno ng kilig, galak at saya
Puso'y mistulang tumatalon, ano ba-
Ano ba ang ginawa mo sa akin, ano nga?

Para akong nabaliw sa sigla
Nang makuha ang oo na dati nang kinukuha
Sa ika-dalawampu't apat na araw ng abril
Nagsimula ang pagmamahalang hindi matigil-tigil

Lumipas na ang anim na buwan
Hanggang ngayo'y pag-ibig ay hindi matigilan
Patuloy na naglalakbay sa karagatan
Hindi man alam kung saan ang paroroonan

Sa loob nito'y mga pangarap ay nabuo
Sana'y makamit sa takdang minuto
Patuloy siyang mamahalin hanggang sa dulo
Dulo ng kuwentong binuo ng maylikha sa pagmamahalang libro

Istoryang nagsimula sa ika-dalawampu't apat na araw ng Abril
At magtatapos sa- hanggang sa kuwento'y matigil

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon