Distansya

9 2 0
                                    

@Ginoong_Gwapo

Mahirap ang mawalay sa iyo mahal ko
Ngunit sa ating kuwento
Ito ang naging simula
Magkawalay na nagkakilala at magkalayong itinakda

Ilang kilometro ang distansya
Maraming lalagpasan na probinsya
Ngunit ang mga puso'y magkalapit
Tila sa pamamagitan ng buwan ay nakakapit

Walang planong bumitaw
Kahit kinabukasan ay hindi matanaw
Gaya ng iyong mga ngiting hindi masilayan
Sa mga litrato nalang nagkakangitian

Pinapangarap kong ika'y makita
Kung kailan tayong dalawa'y handa na
Hindi lang handa sa pagkikita
Pati na rin sa altar na sati'y magsasama

Iyon ang aking pinakahihintay-hintay
Na sana ang ating pangarap ay mabigyang buhay
Hindi lamang sa ating mga isipan
Maging sa mundong ating ginagalawan

Mahal na mahal kita tatlong libo
Kahit milya'y humigit pa sa numero
Sapagkat ikaw ang dinadalangin
Gagawin lahat ikaw lamang ay mapasaakin

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon