Mahal Kita

8 2 0
                                    

@Ginoong_Gwapo

Hindi ko maikaila
Ang kilig na nadarama
Tuwing iyong sinasabi
Na mahal mo ako lagi

Iyon ang lagi kong nararamdaman
Kahit minsa'y nagkakalabuan
Isang sabi lang ay natutunaw
Dinaig ang yelong nakatapat sa araw

Ilang letrang nagpapabilis ng tibok ng puso
Mga salitang hindi pagsasawaang matinig ng tainga ko
O mabasa ng aking mga mata
Sa ating pag-uusap, ayaw ko itong mawala

Ito rin ang alam nating rason
Na kung bakit ay haggang ngayon
Kahit napapagod ay nakakakapit pa rin
Lalo na, may pangarap na isa't isa ay patuloy na mahalin

Napakasarap magmahal ng tunay
Ito nga ang susi sa maaliwalas na buhay
At mas masaya dahil ikaw ang kasama
Tila hindi ako magsasawa

Mahal kita, mahal kita
Walang halong pambobola
Sa iyo ako, akin ka
Hanggang tamang panahon ay maabot na

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon