Adik

3 2 0
                                    

@Ginoong_Gwapo

Nalulunod sa sensasyon
Nakakabaliw, anong nangyayari ngayon
Sino, nasaan, bakit ako narito
Napakasarap, bakit ganito?

Nalulunod sa iyong kagandahan
Nakakabaliw, ating mga titigan
Sino, nasaan ka na mahal ko
Napakasarap madama ang pagmamahal mo

Nakakaadik, sana'y hindi nalang mawakasan
Nasisiyahan ako sa aking nararamdaman
Ganito ba talaga ang tunay na epekto
Nagagalak, humihiyaw ang aking puso

Mahal na mahal kita
Laging nasasabing sobra sobra
Hindi na matigilan
Sana ikaw na aking hantungan

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon