Pangarap, Dalangin, Aabutin

4 2 2
                                    

Lyrics and music by: @Ginoong_Gwapo

Oh oh oh oh pangarap, dalangin
Oh oh oh oh — aabutin

Mga bitui'y ginugulo, gumugulo
Sa iyong mga mata'y parang naglalaro
Hindi ko na kailangan pang tumingin sa twina
Sa iyong mga mata palang, higit na, kuntento na

Tila ba ako'y lumulutang
Tuwing ika'y lumalapit, kumikinang

Dalangin ka sa hangin
Sana ito'y dinggin
Pangarapin natin
Sabay na aabutin

Walang maiiwanan
Parehas ng nararamdaman
Pangarap, dalangin
Magkasamang kukunin

Oh oh oh oh pangarap, dalangin
Oh oh oh oh — aabutin

Oo, Akira, ikaw ang dalangin
Pinapangarap kahit kaharap ay hangin
Tinititigan iyong mga mata
Sa mga litrato na
Litaw ang iyong ganda, ya

Para na bang sirang plaka
Paulit ulit nalang nagsasabi na
Mahal kita.. Mahal kita
Mahal na mahal kita

Mahal kita.. Mahal kita
Mahal na mahal kita

Dalangin ka sa hangin
Sana ito'y dinggin
Pangarapin natin
Sabay na aabutin

Walang maiiwanan
Parehas ng nararamdaman
Pangarap, dalangin
Magkasamang kukunin

Oh oh oh oh pinapangarap, dinadalangin
Oh oh oh oh — aabutin

[for Akira's ears]

[not a poem, but a song]

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon