Indak

9 2 2
                                    

@Ginoong_Gwapo

Musikang tumutugtog
Kasabay ng araw na papalubog
Ngiti sa ilalim ng ulap
Tila sumasayaw sa alapaap

Iyong kamay ay hawak-hawak
Habang sabay na umiindak
Magkalapit ang mukha
Nagtititigan sa mata

Kaysarap na gabi ang nagdaan
Kung saan ikaw ay nariyan
Litaw na litaw ang iyong kagandahan
Sa bawat galaw, damdami'y naghihiyawan

Bawat pagkakataon ay sinusulit
Oras sa sayawan ay ginagamit
Matitigan lang ang iyong mga mata
Mahawakan lang ang iyong mukha

Sa sandaling tayo'y naghiwalay
Bumitaw na sa iyong kamay
Kabog ng damdamin ay nananatili
Hindi maitago ang mga ngiti

Nang napagtantong panaginip lamang
Kahit ganoo'y, ako ang pinakamasayang nilalang
Dahil ang isang tulad ko ay naisayaw
Ang tulad mong kasing-ganda ng sikat ng araw

Tulad ng laging sinasabi
Sa atin ay mananatili
Sabay na tutuparin lahat ng ito
Ang dating indak sa panaginip ay magkakatotoo

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon