Abril 16

6 2 0
                                    

@Ginoong_Gwapo

Dito sa harap ng bintana
Gumagawa, nag-iisip, at nagsusulat ng tula
Nakadungaw at tinatanglaw iyong mukha
Hindi ka man nakikita ang puso nama'y  kitang-kita ka

Laging napapaisip kung paano ka napasakin
Paano nabuo ang pag-ibig na umiral sa atin
na sa simpleng biruan nabuo ang pagmamahalan
Pagmamahalang Ikaw at Ako ang dahilan

Ngayon, sumapit ang iyong kaarawan
Sa puso'y lubos-lubos ang kagalakan
Sana'y ganito rin ang iyong nararamdaman
Puno ng kasiyahan at hindi kalungkutan

Mahal na mahal ka naming lahat
Sayo'y laging gagabay at susuporta
Sa isang patawa mo lang ay nagiging sapat
Upang lumabas ang aming ngiti't saya

Magpatuloy kang ganyan hanggang sa huli
Dahil sa iyong ugali, minahal ka ng marami
Ngunit huwag magpapaharot sa iba
Pakisabing sigurado ang kamatayan niya!

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon