Aking Manunulat

6 2 0
                                    

@Ginoong_Gwapo

Sa pamamagitan ng pagsusulat ay naipapadama
Ang tila walang hanggang pagmamahal sa'yo Akira
At dahil din dito'y mas lalo kang nakilala
Humanga at napatulala ang isang manunula

Mga salitang napakamabulaklakin
Na nanggagaling sa panulat na atin
Ginamit upang matali ang bawat isa
Hanggang sa masabi ang 'mahal na mahal kita'

May katumbas na pagmamahal sa bawat letra
Mga pagguhit sa papel ay sadyang napakaganda
Hanggang mabuo ang isang kuwento
Na kabibiliban muli ng maraming tao

Hindi ka man kilala ng lahat
Hindi ibig sabihin na hindi ka umaangat
Sapagkat marami ka nang nalampasahan
Ngunit hindi napapansin nang agaran

At kung dumating ang araw na ito
Makikita ng iba ang iyong mga kuwento
Ipagmamalaki kita mahal ko
Ngunit ngayon palang ay bilib na ako sa iyo

Kailanma'y hindi mo ako binigo
Sa mga salitang ginagamit mo
Nararamdaman ang gustong maipahiwatig
Oh manunulat na aking iniibig

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon