Tropeyo

4 2 0
                                    

@Ginoong_Gwapo

Sa puntong ito'y walang gana
Sa oras na ito'y hinahanap ka
Hind alam ang ititipa
Hindi malaman ang nadarama

Ngunit kung aking iisipin ang nakaraan
Ako nga pala ang nanalo sa paligsahan
Kung saan ikaw ang pinag-aagawan
Premyong ayaw kong mawala kailanman

Pero nang akin itong nakuha
Marami pa rin ang gustong lumaban
At ako ito patuloy na dumedepensa
Upang ako'y hindi na maagawan

Patuloy at mas binibilisan ang takbo
Habang yakap-yakap aking tropeyo
Lalaban hanggang makarating sa dulo
Pag-ibig sa tropeyo'y hindi magbabago

Mamahalin ng buong puso
Hindi basta-basta bibitawan ito
Dahil sa oras na naagawan ako
Mawawalan ng saysay ang aking takbo

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon