Sanay

5 1 0
                                    

@Ginoong_Gwapo

Sanay nang nariyan ka
Hindi na alam ang mangyayari kung ikaw pa'y mawala
Sanay nang pag-ibig mo ang nadarama
Sanay nang sa puso, ikaw ang nagpapasigla

Hindi na matanggal ang aking mga ngiti
Mula nung ika'y dumating, ito na'y nanatili
Presensya mo palang ay sapat na
Dumagdag pa ang iyong pagmamahal, hindi ba?

Hay, pambihira!
Hindi ko na nasisilayan ang sarili sa iba
Sa iyo palang, isang milyong galak na ang nadarama
Sinanay mo ang aking mata na ikaw lang ang nakikita

Paulit-ulit man ang mga salitang nababanggit
Lagi ring ikaw ang gustong makamit
Kahit gaano pa kalayo sa isa't isa
Ikaw at ikaw pa rin ang nadarama

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon