Ating Kuwento

10 2 0
                                    

@Ginoong_Gwapo

Isang nobela ang sinulat ng Diyos para sa akin
Iyon nga ang pagmamahalan natin
Na hanggang ngayo'y wala pa ring katapusan
At aking tatanggapin, wakas ay ano man

Lahat ng bagay ay may rason
Ito, tayo mula noon
At masaya akong naging sa'yo
Sana'y masaya ka rin sa piling ko

Gusto kong hingin sa Panginoon ang wakas na ninanais ko
Kung saan mamamatay akong, ako ang asawa mo
Ngunit kung hindi man ay siguradong may mas mabuting gagawin
At alam kong ito rin ay para sa atin

Paulit-ulit na itong masasabi
Ngunit totoong ako ay napakaswerte
Dahil sa panahong ito'y nakilala ka
Ikaw ang naging leading lady ko sa libro ng may likha

At ito ako gumagawa ng maraming tula
Para sa katulad mong isang dalaga
At ako'y patuloy na magiging manunula
Habang hindi pa nagwawakas ang ating istorya

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon