Dalaga

28 2 0
                                    

@Ginoong_Gwapo

Ang humanga sa isang dalaga
Ay isa sa pinakamasayang nagawa
Ang titigan kanyang maaamong mukha
Ang pangaraping siya'y makasama

Mahalin ang lahat sa kanya
Maging masaya sa ikasisiya niya
Siya'y isipin sa bawat minuto
Aalagaan sa bawat segundo

Dalagang nagbibigay ng inspirasyon sa iyo
Binibining laging nagpapagaan ng kalooban mo
Babaeng iyong tinatrato na parang prinsesa
Hanggang sa iyong kaharian siya'y maging reyna

Siya, siya nga ang tinutukoy ko
Ang dalagang nagpatibok ng iyong puso
Na ngayo'y nagagawa kang pangitiin
Siya, ang babaeng gusto mong angkinin

Ang dilag na gusto mong pakasalan
Ipakilala sa mga magulang at sabihing 'kami'y nagmamahalan'
Oo, siya ang dalagang iyong ginugusto
Ang binibini na sana'y balang araw ay iyong matawag na 'asawa ko'

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon