Au

9 1 0
                                    

@Ginoong_Gwapo

Iyong ganda'y hindi matatawaran
Tunay, walang alinlangan
Lalo na ang ating pagmamahalan
Isang gintong pinahahalagahan

Iyong mata at mga ngiti
Tunay na nakakakiliti
Ang iyong buong pagkatao
Tinatali ang tulad ko

Ikaw ang natatangi kong kayamanan
Hindi sasayangin, walang planong pakawalan
Sa mundong ito na maraming nagtatangkang umagaw
Hindi ako patitibag upang akin ang ikaw

Isang mamahalin
Karapat-dapat mahalin
Kaya ngayong nasa kamay kita
Wala akong planong bitawan ka

Laging hahawakan
Parating hahagkan
Hanggang dumating ang buwan
Na mapag-isa ang ating nararamdaman

PARA KAY: AKIRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon