Chapter 4
3rd Person's POV;
"Arkhon and Cross behave lang kayo dito okay? Pag hindi kailangan wag na kayo lumabas." Bilin ng dalaga sa dalawang bata na nakaupo sa bakal na upuan."Yes tita." Sagot ni Arkhon na kinangiti ng dalaga.
"Ikaw Cross?" Tanong ni Astrid matapos umiwas ng tingin ng bata.
"I can't promise mommy." Sagot ng bata na kinabuga ng hangin ng dalaga matapos mapatingin sa wrist watch nito na nasa kaliwang bahagi ng braso.
Ayaw man niya iwan ang dalawa sa lobby room ng mall dahil kailangan niya magtrabaho.
"Dito lang kayo, Cross wag kang kung saan saan pumupunta." Bilin ng dalaga bago umalis.
Nang makalabas ang dalaga sa kwarto mabilis itong lumapit sa manager niya at humanay sa mga kasamahan nitong sales lady.
"Gusto ko lang iannnounce na may bago na tayong presidente." Ani ng head manager sa buong mall.
Tahimik lang ang dalaga at kasalukuyang occupied dahil sa
inaalala ang mga kasama nitong bata. Lalo na ang pasaway nito na anak na walang ginawa kung hindi pasikitin ang ulo niya. Dahil sa pag aalala hindi na nito narinig ang sinabi pa ng manager at mga anunsyo.
'Sabi ni head manager gwapo daw yung bagong presidente.'
'Kung gwapo siguradong makikilala natin yun kung sino hihi.'
---
'Girl tingnan mo ang gwapo ng mga bata.''Uy magtigil ka nga pati ba naman bata.'
'Gaga! Marunong lang ako mag appreciate.'
"Cross kahit kailan talaga ang tigas ng ulo mo sabi ni tita sa lobby lang tayo diba?" Singhal ni batang si Arkhon kay Cross na nakapokerface na naglalakad papunta kung saan.
"Sino ba kasi may sabing sumunod ka?" Sagot ni Cross.
"Kailan ka ba matututong rumespeto sa mas nakakatand---."
"For your information matanda ka lang sa buwan." Pabalyang putol ni Cross.
"Sino ba kasing hinahanap mo?" Tanong ni Arkhon at hindi pinansin ang sinagot ng bata.
"Yung lalaki na pinag uusapan kanina sa lobby." Sagot ni Cross.
"Yung bagong presidente na mag iikot ngayon sa mall?" Tanong ng batang lalaki.
"Anong meron sa lalaking yun? Iniisip mo bang si Tito Cadmus ang---."
"Hindi pag aaksayahan ng oras ni daddy ang ganitong kaliit na negosyo at mas lalong wala yun time para ihide ang identity niya at mag ikot dito." Putol ulit ng batang lalaki.
"Eh ano pang ginagawa natin dito? Hindi naman pala ang daddy mo bumalik na tayo siguradong nagwoworry na si tita Astrid satin." Yaya ng batang lalaki.
"Arkhon reklamo ka ng reklamo ikaw na bumalik." Naiinis na sambit ng batang lalaki bago binilisan ang paglalakad.
"Pano ako babalik ang laki nitong mall ayaw ko maligaw!" Sigaw ni Arkhon bago habulin si Cross na tumitingin tingin sa paligid.
Hanggang sa may nakita siyang lalaki na nakahood na itim at kausap ang isa sa mga sales lady.
"Arkhon! Ayun siya bilisan mo." Yaya ng batang si Cross bago hilahin ang batang lalaki sa isang escalator.
"Cross! Teka baka mahulog tayo dito teka lang." Natatakot na sambit ng batang si Arkhon habang tumatakbo pababa ng escalator at hila hila ni Cross.
BINABASA MO ANG
Gear on Affliction
RomanceBook 1- Infidelity Affection Book 2- Gear on Affliction ---- Prologue "I want some cotton Candy mommy Faster!" Tuwang tuwa na sambit ng isang batang lalaki na nasa anim na taong gulang na bata. "Cross! Wag kang tumakbo baka---." "Cross!" 'Yung bata...