21

524 18 0
                                    


Chapter 21
3rd Person's POV;
"Anong sinasabi mo?" Nakakunot ang noong tanong ni Astrid.

"Pinahahanda ko na kay Sharah ang passport niyo ni Cross one of this days aalis kayo ng bansa, sasama kayo kay da---."

"Sabihin mong may maganda kang plano Lake." Putol ni Astrid sa binatang nakatalikod sakanya at nakahawak ng mahigpit sa railing.

"Kailangan niyong umalis Salves para sa safety niyo ni Cross." Malayo ang sagot na sambit ni Lake.

"Lake humarap ka nga saakin." Ani ni Astrid matapos mabigat ang mga paang lumapit sa likuran ng binata.

Nang hindi humarap si Lake naiinis na hinila ni Astrid ang braso ng binata paharap sakanya.

"Yan ba ang mukha ng may pinaplanong maganda Gangster?" Nag gigitgit na tanong ng dalaga ng makita ang sobrang pag aalala at frustration sa mata ng binata.

"Kung ano mang pinaplano ko Salves labas kana dun. Problema na namin ito magkapatid at ayoko ng mapahamak ka ulit." Bulong ni Lake na kinayukom ng kamao ng dalaga.

"Ama ni Cross si Callius at mahal kita sa tingin mo papayag ako na may mangyari isa man sainyong dalawa?" Tanong ni Astrid na kinatigil ng binata.

"Akala mo ba hindi ako natatakot sa maaring gawin saakin ni Callius? Yung tuwing pumapasok sa isip ko lahat ng ginawa niya saakin tuwing nakikita ko siya ... Lake takot na takot ako pero alam ko." May diing sambit ng dalaga bago iduro ang dibdib ng binata.

"Andiyan ka Lake at alam kong poprotektahan mo ako. May tiwala ako at hindi yun nawala sa mga lumipas na taon ... Kilala mo ako Lake hindi ako yung tipong uupo na lang sa sulok at mananahimik kung may magagawa naman ako sainyong dalawa." Dagdag ni Astrid bago iangat ang tingin nito at tingnan ang binata.

"Minsan ko ng natanong sa diyos kung bakit kailangan ko kayong makilala, at masira ng ganito ang buhay ka nang dahil sainyong dalawa. Hindi mo alam ang pakiramdam na para kang isang kapirasong manipis na bakal na napapagitnaan ng nag gigitgitang malaking bato. Masakit at nakakadurog pero kahit kailan hindi ako nagsisi na nakilala ko kayong dalawa lalong lalo na dumating si Cross." Mababa ang boses na sambit ni Astrid.

"Nagtiwala ako sayo Lake sana magtiwala ka din saakin, katulad mo nag aalala din ako kay Callius at minsan na siyang naging parte ng buhay ko. Kung hindi ko siya nakilala hindi kita makikita ... Lake magkasama nating tulungan ang kakambal mo ... kailangan niya tayo." Bulong ni Astrid na kinapikit ng madiin ng binata.

"Hindi ko alam kung anong magagawa ko once na may mangyari sayo Salves." Bulong ni Lake matapos sapuin ang pisngi ni Astrid na kinangiti ng dalaga bag---.

"Holyshit!" Mura ng binata ng sipain siya ng dalaga sa paa na kinatalon ng binata dahil sa sakit.

"Once na magdedecide ka sabihin mo muna saakin at wag mong iisipin na porket M.U na tayo, 'tayo na' manliligaw ka muna. At tigil tigilan mo magdemand saakin kasi hindi ako yung tipong nag papaunder." Ismid ng dalaga bago tumalikod at naglakad paalis ng opisina.

"Ang sakit tangna." Mura ng binata bago tingnan si Astrid na binuksan na ang pinto at tuluyang lumabas ng opisina.

Astrid Salves's POV;
"Ang tagal mo." Ani ko matapos bumukas ang pinto ng opisina at bumungad saakin ang gwapong mukha ni Lake na walang emosyong nakatingin saakin.

"Hindi porket mahal kita may balak din ako magpaunder sayo baka nakakalimutan mong isa akong Acosta at walang sino man ang pwedeng magpaluhod sakin." May inis na sambit ni Lake matapos itungkod ang mga braso niya sa magkabilang gilid ko.

Kung sa tingin niyo masisindak ako no way highway, sa tingin niya matatakot niya ako sa paganyan ganyan niya.

"Talk to my hand Acosta three times kita napaluhod remember?" Pokerface na sambit ko na kinakunot ng noo niya.

Gear on AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon