Chapter 37
3rd Person's POV;
"Whoa! Ito na ba ang Paris?" Tanong ni Tori ng makababa sila private plane na inakupahan ni Trinity Zaffiro para lang kina Cadmus at lumapag yun sa airport ng Paris–Charles de Gaulle isa sa dalawang airport sa Europe."Wala pa tayo sa Paris." Sagot ni Cadmus.
"Ow hindi ko iniexpect na ganito ka warm ang pag welcome saatin ng bansang ito look sasalubungin pa tayo ng---."
"Kakampi o kalaban?" Tanong ni Alcide matapos umisang hakbang paatras.
"Katatanggap ko lang ng text, nasa likod ng airport ang limousine na magsusundo natin so? ... kalaban yan.=_=" balewalang sagot ni Alvis
"Ow enemy? Ano pang ginagawa natin dito?" Takang tanong ni Worth hanggang sa---.
"Takbo!" Sabay na sigaw ni Regulus at Venedict para sabay na sabay sila tumakbo pabalik.
"Waaah! Kararating lang namin eh huhu." Sigaw ni Worth habang magkahawak ang kamay na tumatakbo kasabay si Tori kasunod ang dalawang Revere na sinundan ng blacksphere.
"Nasaan yung fire exit dito?" Tanong ni Nyro ng habang nililibot ang paningin sa buong lugar.
"Dito tayo guys!" Sigaw ni Alcide bago nauunang tumakbo na sinundan ng buong grupo.
"Hey stop running!"
"Hey!"
Reklamo ng mga nababangga ng mga binata matapos makita ang mga black in man na humahabol sakanila.
"Bilisan niyo." Ani ni Dwayne ng---.
"Worth!" Sigaw ni Tori ng mabitawan ng binata si Worth at madala ng mga taong nagtakbuhan ng makita ang mga black in man.
"What the heck! Worth!" Sigaw ni Nyro ng maipit din ito.
"Waah! Tori!" Sigaw ni Worth at pilit na sumiksik sa mga tao para makalapit sa mga binata.
"Ahhh!" Tili ni Worth ng babaliktad siya sa railing ng mabangga siya ng kung sino pero bago pa ito mahulog may lalaking humawak sa bewang niya at nahila pabalik.
"Got you." Nanlaki ang mata ni Worth ng makita si Dwayne.
"Nakuha ko na yung isang bata! Magkita kita na lang tayo sa baba! May nakita akong daan dito." Sigaw ni Dwayne kina Cadmus.
"Kilos na bilisan niyo!" Sigaw ni Alvis.
Naghiwalay ng daan sina Cadmus habang si Dwayne hinila si Worth sa escalator at tumakbo pababa.
---
"Waah peste kayo!" Ani ni Tori matapos hampasin ang isa sa black in man na nakayuko."Gosh akala ko mamatay na kami." Ani ni Tori matapos yakapin si Worth na tahimik
"Sorry, Akala namin alam niyo na susunduin namin kayo dahil yun ang inutos samin ni Master Dale." Medyo slang na sagot ng mukhang pinaka head ng black in man.
"Putangina mo Sikat, tangna ka hindi mo man lang sinabi na may susundo saamin!" Bulyaw ni Cadmus na hinahabol pa din hininga habang hawak ang phone nito at nakadikit sa tenga.
"Acosta." Tawag ni Venedict ng makakita siya ng napakaraming kotse na dumating at lahat yun papunta sa parking lot ng airport.
"Kailangan na natin umalis." Ani ng lalaki bago buksan ang limousine at papasukin sina Worth at Tori kasunod ang blacksphere.
"Hindi naman siguro nakatunog ang mga Trijo diba?" Tanong ni Alvis.
"Maliit lang ang France at hawak ng Trijo ang bansang ito kaya hindi imposible na malaman nilang andito na tayo." Sagot ni Venedict na kinasapo sa noo ni Regulus.
BINABASA MO ANG
Gear on Affliction
RomanceBook 1- Infidelity Affection Book 2- Gear on Affliction ---- Prologue "I want some cotton Candy mommy Faster!" Tuwang tuwa na sambit ng isang batang lalaki na nasa anim na taong gulang na bata. "Cross! Wag kang tumakbo baka---." "Cross!" 'Yung bata...