Epilogue
Makalipas ang mga taon."Aww!aw!"
Tahol ng ilang mga aso na nasa paligid ng penthouse ng makakita sila ng mga anino mula sa madilim na parte ng kagubatan."Rook." Tawag ng matandang nasa 60s matapos nito magising dahil sa mga tahulan sa labas.
"May tao." Bulong ng lalaki ng hindi tumigil ang mga tahol ng aso sa labas.
Kinuha ng lalaki ang baseball bat na nasa gilid na bahagi ng higaan at humakbang palabas ng kwarto.
"Cross." Tawag ng lalaki sa binata dahil nasanay na din ito sa biglaang pag sulpot- sulpot ng anak sa penthouse niya.
Matapos ilibot ng matandang lalaki ang paningin sa penthouse. Naglakad ito palapit sa pintuan at binuksan para icheck kung anong nangyayari sa labas.
"Rook." Tawag ng lalaki pero hindi dumating ang paborito niyang alagang aso.
"Rook!" Medyo malakas na sigaw ng lalaki ng tuluyan itong makalabas sa penthouse kasabay ng paghampas ng malamig na simoy ng hangin ang bahagya nitong pagpikit para mas madama pa ito.
"Roo---."
"Rook pala ang pinangalan mo sakanya."
Nabitin ang sasabihin ng lalaki sa ere ng makakita siya ng babaeng hindi nalalayo sa edad niya.
May kaputian na din ang buhok pero bakas pa din sa babae ang kagandahan nito ng mga kapanahunan pa nito.
"Matagal na din kita ng huli kitang makita pero napakagwapo mo pa din hanggang ngayon ... kahit yata basahan pa ang isuot mo mukha ka pa din rarampa." Pagak na sambit ng matandang babae habang pilit na pinipigilan ang mga luha nito sa mata.
Nabitawan ng lalaki ang hawak na baseball bat dahil sa pagkabigla hanggang sa mapatakbo ito at sinunggaban ng mahigpit na yakap ang asawa.
"Salves, n-nandito ka? Paano--- paanong---."
"Akala mo ba ikaw lang ang marunong tumupad ng pangako?" Putol ng babae bago bahagyang humiwalay at tiningnan ang asawa.
"Sapat na saakin ang sampung taon o kahit apat na taon na kasama ka Cadmus ... sobra pa yun 35 years na nagkahiwalay tayo." Ani ng babae.
"Wag ka nga mag salita ng ganyan, 60 pa lang ako aabot pa ako ng 70 gusto mo na ba ako mamatay." Hirit ni Cadmus na pilit pinipigilan ang luha dahil sa sobrang saya.
"Binibiro ka lang eh ikaw talaga ang tanda tanda mo na hindi ka pa din makaintindi ng salitang biro." Natatawang sambit ng ginang na kinatigil nito ng ilang minuto makita ang pagkakatitig sakanya ng lalaki.
"Anong problema?" Tanong ng ginang.
"H-Hindi ako makapaniwalang nasa harap na kita ulit." Bulong ng lalaki habang hinahaplos ang pisngi ng babae.
"Cadmus." Tumulo ang luha ng ginang matapos makita ang sobrang saya sa mukha ng lalaking minahal niya din ng ilang dekada.
"Cadmus, simula ngayon wala na tayong oras na sasayangin okay? Segundo man o minuto magkasama tayo." Ani ng babae bago ngumiti at hawakan ang kamay ng lalaki sa pisngi.
"Magpakasal ulit tayo Cadmus and this time, yung wala ng sapilitan ... tawanan na at hindi iyakan. Wala ng iwanan magkasama na tayo lalabas ng simbahan." Nakangiting sambit ng ginang na kinatango ng lalaki.
"Kahit sa lahat pa ng simbahan Salves handa kitang pakasalan." Bulong ng lalaki bago yakapin ng mahigpit ang asawa.
---
"Naalala mo nung nagconfess ka saakin sa proposal?" Ani ni Astrid bago tingalain ang binata na nakahiga din sa damuhan at nakatingin sa kalangitan."Pano ko makakalimutan yun? Yun ang pinakasakit na rejected na nangyari sa buhay ko." Sagot ni Cadmus.
"Teka!hindi yun ang sinasabi ko ... tiyaka alam mo naman yung reason ko nun move on na nga." Ani ng ginang matapos bumangon mula sa pagkakahiga sa mga braso ng binata.
"Nagtanong ka kaya." Natatawang sagot ni Cadmus na kinasingkit ng mata ng ginang.
"Sinisisi mo kaya ako." Inis na sambit ng babae matapos ipagkrus ang mga braso na kinatawa ng lalaki.
"Hindi kita sinisisi, ano ba kasing tinutukoy mo?" Tanong ng lalaki.
"Itatanong ko lang sana kung ikaw yung nagbibigay ng scholar saakin at nabanggit mo din nagkita na tayo bakit hindi kita maalala." Tanong ni Astrid.
"Ako nga pero kung iniisip mo na fund yun galing sa pamilya ko. Nagkakamali ka pera ko talaga yun at wala akong balak pagtapusin ang magiging asawa ko gamit ang pera ng iba." Sagot ni Cadmus na kinakurap ng ginang
"Pero akala ko matandang lalaki ang---."
"Siya yung finance manager sa bangko na pinag iipunan ko ng pera para sayo, pinakiusapan ko siya na magpanggap na secretary ko para maibigay sayo ang pangangailangan mo." Pag amin ni Cadmus.
"At yung sinasabi mo na first meet natin 5years old ka lang nun nung nagkita tayo ... nagtrabaho si tita bilang katulang sa mansyon at lagi ka nun na kasama. Lagi tayong nag aaway at minsan nahuli mo ako .... nasa pinakamataas ako na bahagi nun ng mansyon na akala mo tatalon ako at magpapakamatay."
"Ang talas ng dila mo pero naagaw mo ang atensyon ko, limang taon ka pa lang hindi pa nga straight ang pagsasalita mo, pero ang lakas ng loob mong sermonan ako." Natatawang kwento ng lalaki.
"Pero bakit hindi ka maalala nina mam---."
"Sino namang may sabi sayong hindi nila ako nakilala?" Putol ni Cadmus.
"Yung magkasama tayo, imean---."
"Nung nagdala ako ng dress sainyo, para sa susuutin mo sa anniversary ng C-lite sinabihan ko sina tita na wag sasabihin sayo kung sino talaga ako." Putol ni Cadmus.
"Gago ka at bakit?!" May inis na sambit ni Astrid na kinangiti ng konti ni Cadmus.
"Kasi mas gusto pa kita makilala at siguradong magtatanong ka." Sagot ni Cadmus matapos matamang tinitigan ang mata ni Astrid.
"Sa mga lumipas na dekada para sakin panahon lang ang umusad, dahil yung pagmamahal at yung sabik na makasama ka,katulad nung una hindi pa din nagbabago."
"Mahal pa din kita Salves, ilang dekada man ang lumipas."
The end---
BINABASA MO ANG
Gear on Affliction
RomanceBook 1- Infidelity Affection Book 2- Gear on Affliction ---- Prologue "I want some cotton Candy mommy Faster!" Tuwang tuwa na sambit ng isang batang lalaki na nasa anim na taong gulang na bata. "Cross! Wag kang tumakbo baka---." "Cross!" 'Yung bata...