07

687 24 5
                                    


Chapter 7
3rd Person's POV;
"Cross may problema ba? Ayaw mo ng pagkain?" Tanong ni Astrid ng makitang pinaglalaruan ng bata ang mga pagkain nito sa plato.

"Pano ako magkakaroon ng gana mommy kung maraming nakatingin saatin at kumukuha ng litrato." Walang buhay na sambit ni Cross bago tingnan ang ama na may kausap na kung sino matapos silang lapitan.

"Cros---."

"Ayoko sa ganitong lugar mommy." Ani ni Cross na kinagat labi ng dalaga.

"Pero alam mong hindi pwede sa mga public place ang daddy mo diba?" Bulong ni Astrid na kinatahimik ni Cross.

"May problema ba hon?" Tanong ni Cadmus bago bumalik sa upuan niya at tingnan ang mag ina.

"Sorry kanina, you know business." Ani ng lalaki na kinangiti ng konti ni Astrid bago tingnan si Cross.

"Cross ayaw mo ba ng pagkain? Papalitan natin?" Tanong ni Cadmus.

"May allergy ako sa kahit na anong beans." Ani ni Cross matapos itulak bahagya ang plato nito na kinatigil ng magkasintahan.

"Shit! I forgot sorry baby." Ani ni Cadmus habang sapo ang noo at tawagin ang waitress.

"Ano bang gusto mong kainin Cross?" Tanong ni Astrid na kinatingin ng binata.

"I want fried chicken." Sagot ni Cross.

"Wala yun sa menu Cross." Sagot ni Cadmus na kinatahimik ng bata.

"Fine kakausapin ko yung chef nitong restaurant." Ani ni Cadmus tatayo ito para umalis ng hawakan siya ng dalaga para pigilan.

"Cross diba nag usap na tayo? Yung gusto mo wala sa men---."

"Simple dishes lang ang fried chicken mommy, bakit wala sila nun dito?" Tanong ni Cross.

"Cross makinig ka kay daddy, masyadong expensive ang restaurant na ito para lang mag luto ng mga simple dishes." Sagot ni Cadmus sa anak.

Hindi umimik si Cross pero kitang kita ng dalaga na may gusto pang itanong ang bata pero mas pinili nitong manahimik.

Dahil sa hindi naman nagsalita ang bata sa gustong kainin si Astrid na ang umorder at pinili nito ang madalas kainin ng bata.

---
"May inaalala ka ba?" Tanong ni Cadmus ng makita ang pananahimik ni Astrid habang nakatingin sa batang si Cross nakaupo sa lilim ng puno at nagbabasa ng libro na binili ng daddy niya kani kanina lang bago sila pumunta ng park.

"Iniisip ko lang si Cross, Cadmus." Sagot ni Astrid na kinabuga ng hangin ni Cadmus bago umayos ng upo sa bench katabi ang dalaga.

"Lagi na lang ba si Cross ang aalalahanin mo." Out of the blue na sambit ni Cadmus na kinatingin ng dalaga.

"What do you mean?" Tanong ng dalaga.

"Pano tayo Astrid? Ganito na lang ba tayo?" Balik na tanong ni Cadmus bagot tingnan pabalik si Astrid.

"Cadmus napag usapan na natin ito diba? Antayin lang natin lumaki laki pa si Cros---."

"Astrid since first year college nag aantay na ako sayo, kasal na lang ang kulang mabubuo na tayo nina Cross." Putol ni Cadmus na kinagat labi ng dalaga bago bumuntong hininga at tingnan ang batang si Cross.

"Si Cross ba ang reason bakit ayaw mo ako pakasalan?" Tanong ni Cadmus.

"Hindi lang naman si Cross, Cadmus pati ang tatay mo." Sagot ng dalaga.

"Once na ilabas mo kami ni Cross, lalabas ang tunay na pagkatao ng anak ko. Cadmus bata pa si Cross at ang kinakatakot ko kuhanin siya ng daddy mo lalo na anak siya ni Callius." Natatakot na sambit ni Astrid.

Gear on AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon