Chapter 13
3rd Person's POV;
Hindi gumalaw ang binata hanggang sa umupo din ito sa sahig at kumuha ng isang box."Sir?" Ani ni Astrid ng makita ang ginagawa ng amo.
"Ayaw mo umuwi then tutulungan na lang kita." Walang emosyong sambit ng lalaki habang binubuksan ang mga kahon.
"Sir ... president kayo ng mall tapos---."
"Nagtatrabaho din ako sa mall na ito." Putol ni Lake na kinatahimik ng dalaga.
Tahimik lang ang dalawa sa mga lumipas na oras pero ang dalagang si Astrid hindi maiwasang sulyapan ang kaharap na lalaki na dinampot din ang isa pang log book at busy sa pagsusulat.
"Hindi tayo matatapos agad kung titigan mo lang ako." Maangas na sambit ni Lake na kinaiwas ng tingin ng dalaga ng magtama ang kanilang mga mata.
"A-Anong tinititigan? ... sinasabi mo diyan?" Medyo nauutal na sambit ng dalaga habang pilit ulit finofocus ang sarili sa ginagawa.
"Nagdedeny ka pa nahuli naman kita." Pangisi ngising sagot ng lalaki.
"Wag kang assuming sir hindi ka pogi." May inis na sagot ni Astrid na kinataas ng gilid ng labi ng binata.
"Nag 2 years ako sa modelling tapos hindi gwapo?" Pagyayabang ng binata na kinagusot ng mukha ng babae.
"Sir may kahambugan ka din palang taglay noh?" Sarcastic na sambit ng dalaga matapos tingnan ang lalaki na nakangising nakatingin sakanya.
"Kukuha lang ako ng tape sir" paalam ng dalaga bago tumayo at naglakad kung nasaan ang mga shelves.
"Naku kung hindi ko lang talaga siya boss, parehong pareho sila ni Cadmus hambog." Gigil na bulong ng dalaga habang tumitingin tingin sa mga shelves.
"Nasaan na ba yung estante kung saan nakalagay ang mga tape, dito may nakita ako kanina." Bulong ng dalaga habang iniikot ang mga shelves.
"Salves nasira yung cutter saan nakalagay yung tools?" Medyo malakas ang boses na tanong ni Lake.
"Teka may nakita ako sa pang apat na shelv---." Naputol ang sasabihin ng dalaga ng may makita siyang bulto ng tao na nasa nasa kabilang bahagi ng estante kung saan nakalagay ang mga stock na bag.
"Sino yan?" Tanong ng dalaga at lalapit ito sa shelves ng---.
"Ahhh!" Tili ng dalaga ng matutumbahan siya ng shelve ng mabilis na hinarang ni Lake ang mga braso niya para hindi madaganan ang dalagang napaupo sa sahig dahil sa pagtama sakanya ng ilang box na nasa itaas.
"Salves!" Sigaw ni Lake habang pilit na tinutulak patayo ang shelve.
Nang maibalik niya sa dati mabilis niyang nilapitan si Astrid at tanggalin ang mga box.
"S-Sir Lake." Ani ni Astrid ng makita ang binata na nag aalalang nakatingin sakanya.
"Ano bang ginagawa mo? Sa tingin mo ba bubuhayin ka ng shelve na yan once na bumagsak yan sayo?" Sermon ng binata habang chinicheck ang katawan ng dalaga.
"Kaya mo ba tumayo?" Tanong ni Lake ng mapaingit ang dalaga habang hawak ang balakang.
"Y-Yes sir." Sagot ng dalaga bago dahan dahang tumayo at babagsak ito ng mabilis siyang nasalo ng binata.
"Sinungaling.=_=" pokerface na sambit ni Lake hanggang sa---.
"Ahh! Sir ibaba---."
"Manahimik ka." Walang emosyong putol ni Lake matapos ipangko ang dalaga.
Astrid Salves's POV;
"Sir kasi---.""Pasalamat ka hindi yung mga tools ang bumagsak sayo." Ani ni Sir na kinagat labi ko ng linisin ni Sir Lake ang sugat na nasa ankle ko.
BINABASA MO ANG
Gear on Affliction
RomanceBook 1- Infidelity Affection Book 2- Gear on Affliction ---- Prologue "I want some cotton Candy mommy Faster!" Tuwang tuwa na sambit ng isang batang lalaki na nasa anim na taong gulang na bata. "Cross! Wag kang tumakbo baka---." "Cross!" 'Yung bata...