09

575 22 0
                                    


Chapter 9
Astrid Salves's POV;
"Cross bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong ko ng makita ko si Cross na nakaupo sa pinakagitna ng kama niya hawak yung plawta na binigay ni Sir.Lake.

"Mommy meron akong tanong." Ani ni Cross matapos kong umupo sa gilid ng kama niya.

"What is it baby?" Tanong ko ng hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin.

"You're my mother right?" Tanong ni Cross na kinakunot ng noo ko.

"Ano namang klaseng tanong yan Cross?" Balik na tanong ko na kinalingon sakin ni Cross.

"Yung mga achievement ko mommy, medals and awards bakit feeling ko hindi mo naappreciate yun, bakit---."

"Cross." Putol ko sa anak ko bago marahang haplusin ang pisngi niya at ngumiti.

"You'll always make me proud baby." Ani ko bago siya marahang hinalikan sa noo.

"Since ng ipanganak ka, unang pag iyak, paglalakad at pagsasalita mo ... you'll never dissapoint me baby ... bata pa lang nakikitaan ka ng katalinuhan, may mabuti ka ding puso pero mas minamabuti mo yun itago. Yun yung mga bagay na mas nag paamaze saakin kasi anak, yan yung mga bagay na hindi ko naituro sayo pero ginagawa mo." Dagdag ko.

"Hindi ako nag eexpect sayo ng kahit na ano Cross, kasi ngayon pa lang nakikita ko na kung pano ko magiging succesful sa mga way na pipiliin mo. Pero kung may gusto man akong gawin mo in future ... yun ay ang mabuhay ka ng totoo, may matibay at mabuting puso." Bulong ko.

"Sorry mommy." Ani ni Cross na kinatigil.

Hindi ko alam kung anong irereact ko ng magsorry si Cross at yumuko. Madalas napapaiyak ako ni Cross dahil sa pag aalala, pinapagalitan ko siya madalas pero kahit kailan hindi ko pa siya narinig mag sorry.

"Para saan bakit ka nagsosorry?" Tanong ko.

Hindi umimik si Cross hanggang sa mag angat ito ng tingin.

"Iniisip ko kasi kung magiging best ako sa lahat matutuwa ka, magiging proud ka kasi mommy kita pero mali ako." Sagot ni Cross na kinatigil ko.

"I was wrong, because my mommy is the best. Tama si kuya Lake kung pano mabuhay sa mundo kahit kailan hinding hindi ko yun makikita sa mga libro na nababasa ko." Ani ni Cross bago ibaba ulit ang tingin sa lalagyan.

"Hindi ko kailangan magmadali at ibase kung anong way ang lalakaran ko sa kung ano ako at sa kung sino ako. Kailangan kong gawin yun sa paraan na gusto ko mommy at sa paraan kung pano ko gusto tumayo." Bulong ni Cross.

Hindi ko alam kung maiiyak ako o magugulat muna kasi, feeling ko hindi 6 years old na bata ang kausap ko.

---
"Uy girl napapansin ko laging kabuntot ni Sir.Lake yung anak mo anong meron?" Humahagikhik na tanong ni Catherine.

"Anong kabuntot?" Nagtatakang tanong ko.

"Sinundo ni Sir.Lake sa lobby si poging liit, kyaah girl mukha silang mag am---."

"Shhh tumigil ka nga Catherine Gurrea mamaya may makarinig pa sayo, natutuwa lang si Sir.Lake sa anak ko." Putol ko kay Cath.

"Nagsasabi lang ako ng totoo kaloka ka, nakatatlong ikot na nga yun si Sir.Lake sa department natin eh hindi ko tuloy alam kung ikaw inaantay o si---."

"Cath!" May diin na saway ko na kinahagikhik niya.

"Issue kana masyado." Medyo nahihiyang sambit ko hanggang sa mapatingin ako sa dalawang tao na paakyat ng escalator.

Nang makita ako ni Cross kumaway lang ito na kinangiti ko hanggang sa mapalingon dito si Sir.Lake na kinabato ko sa kinatatayuan ko lalo na ng magkasalubungan nanaman kami ng tingin.

'Bakit ganun? Bakit parehong pareho sila n-ni Cadmus, mula sa paraan ng pagtingin pati mga mata?' Tanong ko sa sarili ng maalala ko nanaman yung scene na nangyari sa opisina niya.

Matapos kong umiling iling napatingin ako kay Cath ng tapikin ako nito sa balikat.

"Oy girl ayos ka lang? Carry mo pa? Ganyan din ako minsan pag tumitingin sakin si fafa Lak---."

"Hindi ganun yun grr Cath may naalala lang ako kaya ganun." Depensa ko na kinahagikhik Cath.

"Okay sabi mo eh hihi." Napapokerface na lang ako ng sumipol sipol pa din ito at pag napapatingin sakin tahimik itong hahagikhik. =_= yung totoo?

"Iba ka din Salves noh? Ginamit mo pa anak mo para mapalapit kay sir Lake?" Napatingin kami pareho ni Cath sa babaeng lumapit samin na kulang na lang lumabas ang kaluluwa nito sa suot nitong uniform.

"Ano nanamang kailangan mo Angela?" Nakataas ang kilay na tanong ni Cath.

"Hayaan mo na Cath." Ani ko, aalis na ako ng hawakan ako ni Angela at iharap sakanya.

"Wag kang bastos kinakausap pa kita." May inis na sambit ni Angela na kinabuga ko ng hangin.

"Kung ano man ang iniisip mo nagkakamali ka, natutuwa lang si Sir.Lake sa anak ko and tha---."

"Natutuwa? If iknow ginagamit mo lang ang anak mo para mapansin ka ni President at sa tingin mo naman mapapansin ka niya tingnan mo nga yang tyura mo." Putol ni Angela.

"Kung tapos kana babalik na ako sa pwesto namin." Ani ko bago maglakad paalis.

Kung sa tingin niyo magpapaapekto ako sa mga sinasabi nila saakin, pwes hindi mula highschool wala ng bago sa mga natatanggap kong panlalait at painsulto.

"Girl ayos ka lang?" Tanong ni Cath matapos akong hawakan ng makarating kami sa pwesto namin.

"Don't worry wala lang sakin yun." Nakangiting sambit ko.

"Mga tao talaga ngayon mga judgemental peste siya kala mo kung sinong maganda." Pabulong bulong na sambit ni Cath na kinangiti ko lang.

"Kung iisipin pa natin ang mga tulad nila, wala tayong makukuhang pera." Natatawang biro ko.

"Salves." Napatingin ako sa isa manager namin ng lumapit ito sakin.

"Kailangan ng dagdag na staff natin sa equipments area sa baba, ikaw na lang muna dun habang hindi pa kami nakakahanap ng kapalit. Don't worry may mag aassist naman sayo sa baba temporary." Ani ng manager.

"Pero ma'am wala ako masyadong alam sa mga housechores at furnitures." Ani ko.

"Alam ko kaya nga pinakausap ko sa supervisor sa baba na kung pwede sa production ka ilagay, ichecheck mo lang time to time yung mga products na ipapasok sa loob ng mall." Sagot ng manager na kinabuga ko ng hangin.

"I try my best ma'am." Sagot ko na kinaliwanag ng mukha ng manager namin.

"Salamat Ms.Salves wala na talaga akong choice biglaan kasi tapos masungit pa yung supervisor dun, ikaw lang naman yung madaling maturuan at alam ko ng mabilis ka makakaadjust pasensya na talaga." Ani ni ma'am na kinangiti ko.

"Ayos lang po." Sagot ko na kinangiti ni Manager.

Matapos namin mag usap umalis na si manager na kinabuga ko ng hangin.

Ayokong umalis dito pero mahirap tumanggi ano naman kasing alam ko sa mga equipments.

"Girl may galit ba sayo yung mga nasa taas." Tanong ni Cath na kinalingon ko.

"Ha?" Ani ko na kinangiwi ni Cath.

"Same area kayo ni Angela, plus balita ko pamatay yung trabaho sa production ... nandun kasi yung packaging etc. Kaya nga buwan buwan may nagreresign sa area na yun ang dami pang naaksidente." Ani ni Cath.

"Bakit ka nanakot ng ganyan Cath?" Nakasimangot na tanong ko.

"Uy totoo kaya yun tapos nababalitaan ko ... may foreplay na nangyayari sa mall na ito na mismong mga staffs sa production ang may ga---."

"Cath baka may makarinig sayo." Bulong ko.

"Worried lang naman ako sayo girl." Sagot ni Cath.

"Baka gawa gawa lang naman yun." Ani ko na kinakamot ni Cath sa pisngi.

Hanggang sa may pumasok na costumer.

"Welcome to Havana's Cosmetics." Sabay naming bati ni Cath ng bumukas ang glassdoor at---.

"Is that you sissy?kyaah!"

Gear on AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon