32

495 17 0
                                    


Chapter 32
3rd Person's POV;
"Cross at Cadmus!" Sigaw ni Astrid mula sa pagkakaupo nito sa sofa ng maramdaman ang mag ama na dumaan sa likuran ng sofa at dahan- dahang naglalakad palabas ng apartment.

"Saan niyo balak pumunta?" Tanong ni Astrid bago tumayo at harapin ang dalawang lalaki na nakatalikod at alanganing humarap sakanya.

"This past few days lagi kayong wala sa bahay saan kayo sumusuot?" May inis na tanong ng dalaga na kinagat labi ni Cross at tiningnan ang ama ba nagkakamot sa batok.

"Mommy its guy thing, I think you should'nt need to know if father and son's bonding naman right?" Sagot ni Cross na kinapokerface ng dalaga lalo na ng makita si Cadmus na hindi makatingin sakanya.

Astrid Salves's POV;
Pakiramdam ko talaga may ginagawa ang dalawang ito eh.=_=

Naging habit na nila ang pagtakas saakin ng walang paalam, aalis sila ng umaga gabi uuwi.

Hindi naman ako nag aalala kay Cross dahil kasama naman niya ang ama pero talagang nacucurious ako sa ginagawa ng dalawang ito eh.

"Grabe yang bonding niyo ah mag iisang buwan niyo ng ginagawa yan ... aalis kayo ng umaga tapos gabi kayo uuwi? =_= " ani ko bago tingnan si Cadmus.

"Cadmus ano? Hindi ka magsasalita?" Tanong ko.

Pag nagtanong ako im sure sasagutin ako nito ng totoo, hindi gawain ni Cadmus ang nagsinungaling at magtago once na magtanong ako. Pwede siya manahimik pero alam niya ang magiging consequence ng pananahimik niya ... magagalit ako.=_=

"Patay na." Bulong ni Cross ng---.

"Cross at Cadmus ang tagal niyo nama---."

"Cyan." Ani ko ng makita ko si Cyan Parker na agad ngumiti ng makita ako.

"Hey girl." Ani ni Cyan bago lumapit sakin at makipag beso.

"Gosh ngayon na lang kita ulit nakita panong---."

"Andito ako para sana ipaalam yung dalawa pasensya na talaga, sabi kasi ni Cadmus wag ko daw sabihin pero mukhang nahuli mo yung dalawa." Natatawang sambit ni Cyan.

"Tita Cyan." Tawag ni Cross na alaganganing nakatingin samin.

" =_= ano bang ginagawa ng mag ama ko at laging wala?" Tanong ko.

"Nag pe-prepared kami para sa kaibigan naming malapit ng ikasal, nagpapatulong saamin kaya hindi namin natanggihan ... kinuha nga n'yang ring barrier si Cross tapos best man si Cadmus pasensya na talaga hindi namin sinabi." Sagot ni Cyan na kinakunot ng noo ko.

"Bakit hindi niyo sinabi sa'kin? Pwede ako tumulong sino ang ikakas---."

"No mommy!" Putol ni Cross na kinatigil ko.

Nanlaki ang mata niya bago umiwas ng tingin.

"Hindi pwede dun ang girl puro lalaki ang nagpepepared ... you know? tradition mommy." Dagdag ni Cross na kinakunot ng noo ko.

"Oo nga, pero pwede ka samin sumama ng iba pang girls para sa mga gown, foods etc." Nakangiting sambit ni Cyan na kinatingin ko.

"Nahihirapan kasi kami magdecide kung anong magagandamg design para sa interior ng kasal." Sagot ni Cyan.

"Paano si Aila? I mean siya ang may mas alam sa mga ganito." Ani ko na kinangiti ni Cyan.

"Pauwi na siya girl ano ka ba." Natatawang sambit ni Cyan bago lingunin sina Cadmus.

Sinong ikakasal sa barkada? Gosh excited na ako icongrats siya.

3rd Person's POV;
"Tangna proposal lang ba talaga ito?" Mura ni Alvis ng matapos makita ang paligid.

Gear on AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon