23

475 13 0
                                    


Chapter 23
3rd Person's POV;
Gusot ang mukha ng batang lalaki matapos harapin ang tatlong maid at apat na personal body guard na hinire ng matandang Acosta para sa tagapag mana.

"Hanggang kailan niyo ako balak sundan?" Nakakunot ang noong tanong ng batang lalaki na kinayuko ng mga ito.

"Pasensya na young Master pero kabilin bilinan ni Lord Acosta na kailangan ka naming bantayan at ibigay lahat ng inyong pangangailangan." Sagot ng isa sa mga maid.

"Hindi ko kayo kailangan, get lost gusto ko mapag isa." Naiinis na utos ng batang lalaki bago umalis dun at iwan ang mga tauhan.

Hindi umalis ang mga tauhan pero nanatili ang mga itong nakatingin sa batang lalaki na patuloy lang naglalakad papunta sa kabilang bahagi ng garden kung nasaan ang fountain.

---
"Si Cross bakit anong nangyari?" Napalitan ang pag aalala ng mukha ng binata ng marinig ang pangalan ng anak ng makapasok ito sa opisina ng ama.

"Napansin daw kasi ng mga katulong na nalulungkot yung bata." Sagot ng matanda na kinatingin ni Lake sa mga tauhang naka assign para bantayan ang batang lalaki.

"Balak ko sana kumuha ng maaring maging guardian ni Cross kaso ang inaalala ko masyado pang maaga para malaman ng mga nasa itaas ang existance ng 2nd succesor ng mga Acosta ... specially ni Tristan." Dagdag ng matanda.

"Pwede namang kumuha ng ibang guardian galing sa ibang pamilya diba? As long as under sila ng mga Acosta." Ani ng binata.

"Karamihan sa under ng mga Acosta ang loyalty nasa succesor ng mga Zaffiro." Sagot ng matanda.

"Ako na bahala dad may kakausapin ako hindi lang ako sigurado kung papayag yung bata lalo na kinukuha din siya ng mga Farell."

---
"Cross Acosta?" Tanong ng binata matapos ibaba ang baso sa harapan ni Lake na may laman na alak.

"Kung ako ang tatanungin Lake walang problema sakin na maging guardian ng succesor ng mga Acosta ang anak ko." Sagot ng binata matapos umupo sa kabilang sofa na kaharap ng inuupuan ng binata si Lake.

"Pero hindi naman kasi ako ang magdedecide kung sino ang babantayan ng anak ko lalo na panghabang buhay na responsibilidad niya na yun." Dagdag pa ng binata matapos tingnan ang anak na nasa walong taong gulang na kasalukuyang nakaupo sa kabilang sofa at binubuklat ang folder na binigay ni Lake na naglalaman ng tungkol kay Cross.

"Naiintindihan ko dre, pero siguro babalik na lang ako bukas para malaman ang desisyon ng anak mo." Ani ng binatang si Lake matapos inumin ang alak na nasa baso at tumayo.

"Sige Lake wag kang mag alala kakausapin ko si Haru about dito." Nakangiting sambit ng binata matapos makipag kamay sa kaibigan.

"Hindi kilalang pamilya ang Salves." Ani ng bata na kinatingin ng dalawang lalaki.

"Hindi maganda ang background ng succesor ng isa sa mga Acosta, sinong guardian ang papayag na bantayan ang succesor na galing sa low class na pamilya." Dagdag mg batang lalaki matapos iangat ang tingin nito sa ama at sa kasama nitong binata.

"Haru! Manahimik ka wala kang karapatan magsalita ng ganya---."

"It's okay." Putol ni Lake ng hindi man lang tinapunan ng tingin ang kaibigan.

"Is that no?" Kalmadong tanong ni Lake matapos salubungin ang tingin ng batang lalaki.

Nang hindi sumagot ang batang lalaki nagsalita ang ama nito at humingi ng pasensya sa binata.

"Pasensya na sa sinabi ni Haru kanina." Pag hingi ng paumanhin ng lalaki matapos yumuko.

"Don't mind it, ayos lang mabuti pa mauna na ako medyo gumagabi na." Paalam ng binata matapos tapikin ang kaibiga.

Aalis na ito para lumabas ng---.

"Teka Mr.Acosta." tawag ng batang lalaki na kinatingin ng binata.

"Nasaan ang contract?" Walang emosyong putol ng batang lalaki.

---
"Who the fuck are you?" Gusot ang mukhang tanong ni Cross ng magising ito kinaumagahan at bumungad sakanya ang batang lalaki na nakapamulsahang nakatayo sa pinaka ibaba ng kama habang nakapamulsahan.

"Tama nga si Master Lake masyadong matalas ang dila mo para sa isang batang tulad mo." Bored na sambit ng batang lalaki na parang matandang makatingin kay Cross na napapokerface na lang.

"As what i see bata ka lang din naman." Banat ni Cross bago naiinis na tumayo at bumaba ng kama.

"Compared to you im matured enought para ihandle ang attitude ko as a kid." Kalmadong sagot ng batang lalaki na kinatingin ni Cross matapos ito taasan ng kilay.

"Manahimik ka intsik isa ka pa din namang bata na umaacting na matanda." Naiinis na sagot ng batang lalaki.

"Nasayo ang title bilang succesor ng mga Acosta sana matuto kang umasal ng tama hindi yung asal bata kana nga ... ugaling basura ka pa." Banat ng batang si Haru na kinadilim ng anyo ng batang si Cross.

"Ulitin mo nga sinabi mo!" Sigaw ni Cross matapos sugurin si Haru hanggang sa pareho silang bumagsak sa sahig at nagpalitan ng suntok habang gumugulong sa sahig.

"Sabi ko ugaling basura ka!" Sigaw ng batang si Haru.

"Ikaw!"

"Young master!"

"Guard!"

Nagkagulo ang mga maid ng pagbukas nila ng kwarto ni Cross nakitang nagsusuntukan ang dalawang bata.

"Haru!"

"Cross!"

Sabay na sigaw ni Lake at ng ama ni Haru ng makapasok ang mga ito sa kwarto ng batang lalaki bago paghiwalayin ang dalawang bata.

---
"Ako na humihingi ng sorry sa ginawa ni Haru." Nag aalalang sambit ng binata na kinabuga ng hangin ni Lake.

"Hindi mo kailangan humingi ng sorry dre at the first place mga bata yun." Sagot ni Lake matapos mapakamot sa batok at tingnan ang batang si Haru na nasa tabi ng binata.

"Haru habang buhay mo ng responsibilidad na protektahan at alagaan si Cross ... nakapirma kana din ng contract kaya kung iniisip m---."

"I don't say anything na babawiin ko ang contract dad, iniisip ko lang kung pano ko dudurugin ang succesor na yun para tumino." Putol ng batang lalaki na kinangiwi ng ama nito bago tingnan si Lake na natatawa na lang.

---
Matapos maglinis ng dalaga sa kwarto ni Cross pumasok naman ito ng kwarto na tinutulugan niya para maglinis.

Walis at punas ang ginawa ng dalaga hanggang sa may mahulog na lalagyan galing sa kama ng pagpagin ng dalaga ang comforter.

"Ano ito?" Bulong ng dalaga ng makakita siya ng puting lalagyan.

"Gamot?" Bulong ng dalaga matapos icheck ang laman ng lalagyan.

"Salves."

Naitago ni Astrid ang hawak na lalagyan sa bulsa ng marinig nito ang boses ng binata sa labas ng kwarto.

"Cadmus nandito ako." Ani ng dalaga hanggang sa makarinig siya ng yabag at pagbukas ng pinto.

"Naglilinis ka? Kailangan mo ng tulong?" Tanong ni Cadmus matapos bigyan ng halik ang dalaga sa pisngi.

"Hindi na carry ko na ito, napadaan ka?" Ani ni Astrid matapos tingnan ang suot ng binata.

"Magpapaalam lang sana ako 3days akong mawawala may imemeet kasi ako sa Cagayan medyo malayo yun dito kaya baka dun na muna ako magstay para ivisit na din ang isa sa mga resort na nandun na kasalukuyan kong pinarerenovate." Paalam ni Cadmus.

"Ganun ba sige mag iingat ka." Sagot ni Astrid ng halikan siya sa pisngi ni Cadmus.

"Once a day tatawagan kita." Ani ni Cadmus na kinangiti ng dalaga.

"Mag iingat ka." Sagot ni Astrid.

Matapos nila mag usap ni Cadmus at magpaalam ng binata umalis na ito na kinabuga ng hangin ng dalaga.

"Ito ba yung gamot na iniinom ni Cadmus?" Bulong ng dalaga matapos kuhanin yung lalagyan sa bulsa niya at tingnan.

Gear on AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon