Chapter 15
3rd Person's POV;
"Mommy." Tumutulo ang ang luhang sambit ng batang lalaki habang nakatayo sa veranda at nakatingin sa inang naglalakad palabas ng gate kasunod si Cadmus na inaalalayan ang dalaga."Cross." Ani ni Lake ng makita ang batang lalaki na umiiyak na agad namang pinahid ang luha at tumingin kay Lake na nakatayo sa pintuan.
"H-Hindi dapat ako umiyak ... kailangan ko itong gawin para sa mommy ko." Ani ng batang lalaki hindi umimik si Lake hanggang sa maglakad ito palapit sa batang nakayuko.
"Pinapangako ko Cross walang mangyayaring masama sa mommy mo at magkakasama din kayong dalawa." Bulong ni Lake matapos lumuhod sa harap ng batang lalaki at guluhin ang buhok ni Cross.
"Magiging maayos din ang lahat."
---
"Yun pala ang nangyari." Ani ng dalaga habang nakaupo sa mahabang upuan katabi ang binatang si Lake na wala sa sariling nakatingin sa mga batang naglalaro sa labas ng kumbento."Lake nagsisimula pa lang ang laban niyo ni Callius wag mong sabihing pinanghihinaan ka nanaman ng loob dahil lang sa naiipit si Astrid at Cross." Ani ng dalaga na kinasabunot ng binata sa sarili.
"Tuwing nakikita ko ang pagdudusa ni Cross at pagmamakaawa ni Astrid, Cyan parang gusto ko nanaman maglaho tangna." Frustrated na sagot ni Lake na kinabuga ng hangin ng dalaga.
"Lake hindi deserve ni Astrid ang kasinungalingan na ginagawa ni Callius, buong buhay mo naging anino ka ng kakambal mo dahil natatakot kang may masaktan at marami kang pinoprotektahan. Pero Lake si Astrid kailangan ka niya ngayon ... minsan ng ginawang misirable ang buhay ni Astrid wag mo ng hayaang maulit yun sa kamay ng kakambal mo. Masasalo mo ang kasalanan ng kapatid mo pero yung babaeng mahal mo Lake hindi ... patuloy siyang maiipit at masasaktan pag hindi ka pa kumilos." Ani ni Cyan na kinatigil ng binata.
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ang pagiging anino mo ang makakapag protekta sa mga taong pinahahalagahan mo, sabihin na natin na si Callius ang successior ng Acosta ... hawak niya ang pangalan at magiging kinabukasan ng mga taong nasa paligid mo. Pero Lake isa ka ding Acosta may sarili kang buhay at mukha kaya mo din kumuha ng sarili mong liwanag katulad ng kakambal mo. Kaya mo silang protektahan pero hindi ko maintindihan bakit hindi mo ginawa." Dagdag ng dalaga.
"Kung ano mang dahilan mo sana isipin mo ang kaisa isang taong kasalukuyang pinaglalaruan ng kakambal mo. Hindi mo man sabihin kitang kita ko na mahal mo ang babaeng yun." Bulong ni Cyan na kinagat labi ng binata.
"Gawin mo na ang tama Lake, bawiin mo ang pagkataong inagaw nanaman sayo ng kakambal mo." Ani ni Cyan matapos titigan ang binata.
---
"Young master Cross!"Napakunot ang noo binata ng pag apak na pag apak niya sa bukan ng mansyon nakita niyang nagkakagulo ang mga katulong kasama ang ilang gwardya.
"Ayun siya!"
Napapokerface ang binata ng makita ang batang lalaki na nakikipaghabulan sa mga katulong.
"Young master kailangan niyong maligo!" Sigaw ng ilang katulong habang pilit na hinuhuli ang batang lalaki na lumusot sa pagitan ng paa ng isa sa mga gwardya dahilan para magkatumba tumba ang mga katulong na humahabol sa bata.
"I can do it by myself!" Inis na sambit ng batang lalaki habang nakatingin sa mga katulong na nakadapa na ngayon sa carpet.
"Young master trabaho namin yun kaya kailangan mong sumama saamin sa bathroom." Pagmamakaawa ng isa sa mga katulong.
"Ganyan na ganyan ka din nung bata ka naalala mo ba?" Ani ng matanda na kinatingin ni Lake ng makita ang ama na pumasok na din sa palasyo kasunod ang ilang tauhan.
BINABASA MO ANG
Gear on Affliction
RomanceBook 1- Infidelity Affection Book 2- Gear on Affliction ---- Prologue "I want some cotton Candy mommy Faster!" Tuwang tuwa na sambit ng isang batang lalaki na nasa anim na taong gulang na bata. "Cross! Wag kang tumakbo baka---." "Cross!" 'Yung bata...