Chapter 27
3rd Person's POV;
"Mommy.""Cross!"
Mangiyak ngiyak na tawag ni Astrid ng dalhin siya ni Cadmus sa cabin ng yacht at makita ang anak.
Mabilis na tinanggal ni Astrid ang tali ng dalawang bata at umiyak.
"M-Mommy." Bulong ni Cross ng---.
"Matapos kong turuan ng leksyon si Lake aalis na tayo." Ani ni Cadmus na kinayukom ng kamao ng dalaga.
"At sa tingin mo sasama ako?" Naggigitgit na tanong ni Astrid bago lingunin si Cadmus na nakasandal sa hamba ng pintuan at nakatingin sa mag ina.
"Pagkatapos ng lahat ng ginawa mong ito Cadmus? Ang kapal mg mukha mo sabihin yan?" May diin na sambit ng dalaga.
"Cadmus matagal ko ng alam na ikaw si Calli---."
"Kaya pinaglaruan niyo ako Astrid ganun? Niloko at ginawang gago?" Putol ni Cadmus na kinatigil ng dalaga.
"Akala ko Astrid iba ka, pare-pareho din pala kayo nina papa." Nag gigitgit na sambit ng binata bago tumayo.
Nagdilim ang anyo ng binata hanggang sa lumambot ito at sinalubong ang tingin ni Astrid.
"Astrid Mahal kita at kailangan kita, Astrid magsorry ka lang mapapatawad na kita kaya kong kalimutan lahat ng ginawa niyo ni Lake sumama ka lang sakin." Puno ng pagmamakaawang sambit ni Cadmus.
"Magsorry? Mapatawad? ... unang una Callius wala akong dapat ihingi ng tawad mahal ko si Cadmus at alam kong alam mo yun." May diing sambit ng dalaga na kinadilim ng anyo ni Cadmus bago mabibigat ang paa na hinablot si Astrid matapos nito makalapit at hawakan ang panga.
"Mahal?! Ano bang alam mo sa pagmamahal Astrid! Isa ka lang namang pulubing babae na nagpumilit pumasok sa C-lite at inakita kaming dalawa ni Lake diba?! Isa ka din namang mukhang pera na gusto makaangat da buha---."
*paak*
Isang mabigat na sampal ang pinakawalan ni Astrid na kinaatras ni Cadmus sa kinatatayuan at dahilan para mabitawan niya ang babae."Ikaw Callius ano bang alam mo sa pagmamahal?" Balik na tanong ni Astrid habang nangingilid ang luhang nakatingin sa binata.
"Mahal mo ako? Callius ginawa mong miserable ang buhay ko ... kung kasalanan man ang magkaroon ng ambisyon siguro ang pagkakamali ko ang dun yung pumasok ako sa C-lite at saluhin lahat ng paghuhusga,panlalait at pambubully ng mga matapobre kong kaklase. Gahasain at sirain ang buhay ko ng taong unang minahal ko at paniwalain sa mga bagay na puno lang naman ng kasinungalingan." Umiiyak na sambit ng dalaga.
"Callius hindi yan pag mamahal masyado ka ng makasarili*sob* hindi kana tao dahil kung may puso ka, Callius hindi mo yun gagawin saakin at hindi mo tatangkaing patayin ang kakambal mo ... ilang pasakit pa ba ang ibibigay mo sakin para makuntento ka." Bulong ng dalaga bago naiiyak na mapaupo sa sahig.
"Callius nagmamakaawa ako pakawalan mo na kami hayaan mo na kami ni Cross ... ayoko na." Umiiyak na sambit ng dalaga.
"Para ano? Para mapunta ka kay Lake at maging masaya?" Walang emosyong sambit ni Cadmus na kinatingin ng dalaga.
"Kung hindi ka din naman mapapasakin mas mabuting wala ding mapunta sakanya ... hinding hindi ako papayag na maging masaya ang hayop na yun habang ako misarable." Nag gigitgit na sambit ng binata.
"Ganito kana ba talaga kadisperado Callius." Napatingin si Astrid sa pintuan at---.
"Lake!" Sigaw ng dalaga hablutin ni Lake ang balikat ni Cadmus at itulak palabas ng cabin.
BINABASA MO ANG
Gear on Affliction
RomanceBook 1- Infidelity Affection Book 2- Gear on Affliction ---- Prologue "I want some cotton Candy mommy Faster!" Tuwang tuwa na sambit ng isang batang lalaki na nasa anim na taong gulang na bata. "Cross! Wag kang tumakbo baka---." "Cross!" 'Yung bata...