30

508 17 0
                                    


Chapter 30
Astrid Salves's POV;
Matapos ng nangyari sa yacht kusa ng sumuko si Callius sa mga pulis.

"Don't worry gagawa ako ng paraan para hindi gaanong mabigat ang maging sentensya sa kakambal mo Lake." Ani ni Dale bago tumalikod at umalis.

"Cadmus." Tawag ko kay Cadmus ng makalabas ako ng kwarto ni Cross at makita ko siyang nakaupo sa sofa habang nakayuko.

"Salves." Paos na sambit ni Cadmus ng makita ako.

"Kalalabas mo lang ospital hindi pa nga magaling yang sugat mo sa ulo nagpaparagalaw kana." Nag aaalalang sambit ko bago umupo sa tabi ni Cadmus at matama siyang pagmasdan.

Mag iisang linggo na din ang lumipas g iparehab si Cadmus dahil sa mga drugs na tinake nito at alam ko na kung makarecover man ito baka sa kulungan naman siya ipasok dahil sa mga kasalanang ginawa niya kay Cadmus at pag kidnap kay Cross.

Inamin niya lahat ng yun pati na din ang aksidenteng pagkabaril niya sa isa sa mga succesor ng mga Sikat na dahilan para lalong mas bumigat ang kaso ni Callius.

"Hindi ko na alam kung ano pang magagawa ko para matulungan si Callius." Puno ng pag aalalang sambit ni Cadmus.

"Naiintindihan ko kung gaano mo kagustong tulungan si Callius pero Cadmus, pinili ito ni Callius gusto niya magbayad sa lahat ng nagawa niya at sa tingin ko hindi mo matutulungan si Callius kung basta mo na lang siya ipapasawalang sala." Ani ni ko na kinatigil ni Cadmus.

"Hinaharap na ngayon ni Callius ang takot niya at ang tanging magagawa na lang natin ngayon manatili sa likod niya at suportahan siya." Dagdag ko na kinabuga ng hangin ni Cadmus.

"Balang araw magiging okay din siya." Ani ko.

3rd Person's POV;
"Callius." Tawag ni Astrid ng makita niya si Callius kasunod ang ilang nurse.

Nawala ang ngiti ni Astrid ng makita ang expression at mga mata ng binata.

Para na lang itong patay na gumagalaw.

"Nandito pala kayo." Bulong ni Callius ng makita si Lake at Astrid.

"Callius sabihin mo lang ilalabas na kita dito gagawa ako ng paraan para makalaya k---."

"Wag kang gago Cadmus nakikita mo ng hindi ako okay ilalabas mo ako dito." Napaubo ang dalaga at napatikhim para maiwasang matawa dahil sa sinabi ni Callius sa kakambal.

Habang tinitingnan ni Astrid ang dalawa hindi nito maiwasang mapangiti ng makita ang pagkailang ni Callius dahil sa pagtatanong ni Cadmus.

Habang pinagmamasdan sila ni Astrid nakaramdam ng sayang ang dalaga lalo na ng makita niya na sa unang pagkakataon nakita niyang pantay na ang dalawa sa paningin niya.

Hindi bilang dalawang succesor na nanggaling sa mayayamang pamilya kung hindi magkapatid na parang ngayon lang nagkita.

Astrid Salves's POV;
*beep.* napatingin ako kay Cadmus ng tumunog ang hawak nitong phone at tumayo.

"Salves dito ka lang nasa labas na si Cross." Bulong ni Cadmus matapos nito tumayo at umalis.

Nakasunod lang ang tingin ko kay Cadmus hanggang sa mawala ito sa paningin ko.

"Sana noon ko pa ito nakita, hindi na siguro ako umasa."

Napatingin ako kay Callius ng magsalita ito at magkasalubong ang tingin namin.

"Callius." Ani ko na kinangiti niya.

Yung isang totoong ngiti na sa unang pagkakataon nakita ko sa isang Callius Acosta.

Gear on AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon