Chapter 18
3rd Person's POV;
"Lake." Ani ng dalaga matapos hawakan ang kamay ni Lake na nakahawak sa hem ng suot nitong uniform.Binitawan yun ng binata pero hindi bumangon si Astrid at nakatingin lang itong kinapa ang itaas ng study table kahit malabo ang paningin nito at hindi maaninag ang binata.
"Salve---."
Naputol ang sasabihin ng binata ng matapos suutin ni Salves ang salamin niya hinila nito ang kwelyo ni Lake at siniil ng halik.
"N-Ngayon h-hindi na ako lasing at- at nakikita na kita ng mas malinaw." Bulong ni Astrid na kinataas ng gilid ng labi ni Lake matapos siilin ulit ng halik ang babae at tabigin ang lampshade na nasa itaas ng table at mamatay.
---
"Hon." Tawag ni Cadmus ng makapasok ito sa apartment na tinutuluyan ng dalaga.Hahalikan nito ang babae sa pisngi ng umiwas ito at tumalikod.
"Kumain na tayo Cadmus." Walang buhay na sambit ni Astrid matapos pumasok sa kusina.
"May problema ba tayo?" Tanong ni Cadmus matapos sundan ang babae na kumukuha ng plato.
"Baka ikaw meron?" Balik na tanong ni Astrid matapos ilagay ang plato sa lamesa at lampasan si Cadmus.
"Hon ano bang sinasabi mo? May problema ba tayo? May sinabi nanaman ba sayo si Callius?" Naiinis na sambit ni Cadmus na kinahawak ng dalaga ng mahigpit sa gilid ng lamesa.
"At ano namang sasabihin ni Callius sakin bukod sa sinasabi niya nanamang siya si Cadmus." May galit sa mata ng dalaga na kinaputla ng todo ng binata.
"Astrid makinig ka saakin kung ano mang sinabi niya hindi yun totoo, ilang beses niya na din tayo niloko." Ani ni Cadmus matapos hawakan ang braso ng dalaga.
"Niloko?" Ulit ng dalaga bago umalis sa harapan ng binata at lumapit sa drawer nito.
"Astrid let me explain hind---." Naputol ang sasabihin ni Cadmus ng lumapit ang dalaga at binato sa dibdib niya ang ilang litrato.
"Yan ba ang tinatawag mong isa lang sa mga guardian ng pamilya niyo? Guardian sa kama?" Hindi makapaniwalang sambit ni Astrid na kinalaki ng mata ng binata matapos makita ang litrato niya kasama si Sandara.
May picture na pumasok sa hotel pati ang paghahalikan nito sa labas ng kotse.
"Salves hindi totoo lahat ng ito, hindi ko ito magagawa maaring edited ito." Depensa ni Cadmus natapos punitin ang mga litrato at lalapitan nito si Astrid ng umastras ito at tingnan ng masama si Cadmus.
"Pinacheck ko yan kay Alvis at lahat yan totoo Cadmus." Walang emosyong sambit ng dalaga.
"Astrid hind---."
"Ano nanamang kasinungalingang sasabihin mo Cadmus?" Naiiyak na sambit ng babae bago tumalikod at naglakad palabas ng apartment.
"Astrid!" Habol ni Cadmus matapos yakapin si Astrid sa likuran.
"Nagmamakaawa ako Astrid makinig ka saakin, mahal pa din kita hindi ko kayang mawala ka please Astrid makinig ka saakin." Nanginginig at takot na takot na sambit ni Cadmus matapos iharap si Astrid na umiiyak.
"H-Hon stop crying h-hindi na mauulit wag mo ako iiwan." Nanlalamig na sambit ni Cadmus bago yakapin ang kasintahan ng mahigpit.
"Hon hindi ko kayang mawala ka wag mo ako iiwan." Ani ni Cadmus na kinabago ng expression ng dalaga.
---
"Mukhang maganda mood natin ngayon anong meron?" Natatawang tanong ni Dale ng makapasok ito sa opisina ng binata na may mga dalang documents.
BINABASA MO ANG
Gear on Affliction
RomanceBook 1- Infidelity Affection Book 2- Gear on Affliction ---- Prologue "I want some cotton Candy mommy Faster!" Tuwang tuwa na sambit ng isang batang lalaki na nasa anim na taong gulang na bata. "Cross! Wag kang tumakbo baka---." "Cross!" 'Yung bata...