Chapter 25
3rd Person's POV;
'L-Lake ummm..'Nanginginig ang binata habang hawak ang phone nito na ngayon ay durog- durog na at may bahid na dugo matapos itong durugin ng binata dahil sa mahigpit nitong pagkakahawak.
Nakatitig lang siya sa video habang paulit ulit na nagpaplay ang ungol ng dalaga sa video kasama ang kakambal.
'L-Lake.'
"Aaaaah!" Sigaw ng binata matapos tabigin ang laptop at magkadurog durog yun dahil sa pagtama nito sa pader.
"Hayop ka Lake!" Sigaw ng binata matapos sabunutan ang sarili at galit na galit na pinagbabato lahat ng makita niya.
"Hayop ka!" Sigaw ng binata bago sinuntok ang glasswall ng sariling opisina na parang nasisiraan na ng bait.
"Pagbabayaran niyo lahat ng ito!" Sigaw ng binata habang umiiyak at namumulang pinagwawasak at dinudurog ang mga bagay na nakikita niya ng buo.
"Pagbabayaran niyo lahat ng ito." Nangagalaiting sambit ng binata habang patuloy pa din ang landas ng sariling luha habang nakatingin sa kawalan.
"Kung hindi din naman mapapapunta saakin si Astrid mas lalong walang dapat mapunta sayo." Bulong ng binata matapos lumapit sa kaisa isang picture frame na nasa lamesa at walang kaano ano yun damputin at itapon sa pader.
---
"Anong nangyari?" Tanong ni Dale ng makarinig siya ng nabasag sa kusina."Nadulas." Wala sa sariling sagot ni Lake ng makita ang dugo sa dulo ng daliri matapos nitong tangkaing hawakan ang nabasag na baso sa sink.
"Kuya Lake pwede makahiram ng lapto--- kuya ayos ka lang? Yung daliri mo dumudugo." Ani ni Tori matapos lapitan ang binata ngayon ay hinuhugasan na ang daliri.
"Kunin mo na lang sa kwarto." Sagot ni Lake.
"Akin na muna yang kamay mo kuya Lake gagamutin ko." Nag aalalam sambit ni Tori ng---.
"Ako na Tori kunin mo na lang yung first aid kit." Biglang sulpot ni Regulus sa pintuan ng kusina katabi si Dale na nakatingin lang sa likuran ni Lake.
---
"Ayoko sabi bakit ang kulit mo!" Sigaw ng batang si Cross habang tinutulak niya si Haru ng magpumilit itong hubarin ang suot ng batang lalaki."Ang kulit mo! Sabing kailangan mo maligo!" Sigaw ni Haru habang nakikipag tagisan sa batang lalaki.
Matapos mahila ng batang lalaki ang longsleeve ni natanggal ang mga botones nito at nahulog sa sahig.
"Sabing wag mo akong pakialaman! Hindi ko kailangan ng tulong at maliligo ako kung kailan ko gusto!" Sigaw ni Cross na wala ng pang itaas.
"Kung ayaw mong pakialaman matuto kang kumilos mag isa." Giit ng batang si Haru matapos sunggaban si Cross na napahiga sa sahig.
"Ahhh! Bwisit ka! Lumayo ka sakin!" Sigaw ni Cross.
Dahil sa age ni Haru na mas matanda sakanya ng ilang taon at isama mo pa ng hindi normal na height nito sa isang batang nasa walong taong gulang pa lang.
Walang kahirap hirap na hinuburan ni Haru ang batang lalaki at hilahin papasok ng bathroom.
"Go to hell! Get out!" Sigaw ni Cross at susugurin nito ang batang lalaki ng maunahan siya ni Haru na maitulak.
"Arghh!" Sigaw ng batang lalaki ng bumagsak siya sa loob ng bathub na may tubig at sabon.
"Wag mo ako itulad kina tito at sa mga katulong na nandito, hinding hindi ako magpapaunder at susunod sayo kahit master pa kita.=_=" ani ng batang lalaki bago lumabas ng bathroom.
BINABASA MO ANG
Gear on Affliction
RomanceBook 1- Infidelity Affection Book 2- Gear on Affliction ---- Prologue "I want some cotton Candy mommy Faster!" Tuwang tuwa na sambit ng isang batang lalaki na nasa anim na taong gulang na bata. "Cross! Wag kang tumakbo baka---." "Cross!" 'Yung bata...