Chapter 35
3rd Person's POV;
Nanatili lang nakatitig si Cross kay Arkhon hanggang maalimpungatan ito at magmulat ng mata.Nakasalubong ang tingin ng dalawa na kinakunot noo ni Arkhon ng makita si Cross.
"Anong ginagawa mo d---."
"Ilang beses ko na sinabi Arkhon na hindi ka pwede kung saan saan natutulog." Putol ni Cross kay Arkhon na kinaismid ng batang lalaki bago naiinis na binato kay Cross ang jacket na nasa katawan.
"Ano namang pakialam mo?" Naiinis na sambit ni Arkhon bago tumayo at aalis ito ng hawakan siya ni Cross.
"Ilang buwan ka lang nawala Arkhon nagbago kana." May inis na sambit ni Cross na kinatingin ni Cross.
"Dun ka sa bago mong kaibigan, magsama kayo ng intsik na yun." Inis na sambit ni Arkhon matapos itulak ng malakas si Cross dahilan para mapaupo ito sa sahig na kinagusot ng mukha ng batang lalaki.
"Anong kaibigan sinasabi mo?!" Bulyaw ni Cross bago naiinis na tinulak pabalik si Arkhon at mapahiga sa damuhan bago sunod sunod na pinagsusuntok si Arkhon na sinasalag lang naman ang suntok ng batang lalaki.
"Cross!"
Sigaw ni Tori bago ilayo si Cross at agad namang dinaluhan ni Regulus si Arkhon na nakahiga sa lupa.
"Nag aaway nanaman kayo? Ano bang nangyari?" Ani ni Alcide matapos itayo ang anak at tiningnan si Cross na nakatingin kay Arkhon ng masama.
"Where's my dad? Papahatin na ako." Naiinis na sambit ni Cross aalis ito ng hawakan siya ni Venedict.
"May importante daw na pupuntahan ang mommy at daddy mo kaya binilin niya na kina Alcide ka magstay kasama si Haru." Ani ni Venedict.
"No sa apartment namin ako uuwi besides i have a keys." Pikon na sagot ni Cross matapos kumawala kay Venedict at umalis.
"Tangna." Mura ni Dwayne habang hinihilot ang sintido.
"Anak nga talaga siya ni Cadmus." Dagdag ng binata na kinabuga ng hangin ni Alvis.
"Sa apartment ako nina Tita mag sstay babantayan ko sina Cross." Pag piprisinta ni Arkhon habang pinagpagpagan ang sarili.
"Oy bata nasapak kana ni Lake liit pupunta ka pa?" Sabat ni Tori.
"He was my besfriend." Sagot ni Arkhon.
"And im the only one who can controlled him."dagdag ni Arkhon bago ito lampasan ang mga binata.
---
"Anong ginagawa mo dito?" Nag gigitgit na tanong ni Cross ng pagbukas niya ng pinto bumungad sakanya si Arkhon."Wala sina tita kaya ako nandito." Sagot ni Arkhon matapos lampasan si Cross.
"Bawal ka dito at hindi ko kailangan ng kasama andito si Haru." May inis na sambit ni Cross pero hindi siya pinansin ng batang lalaki at tuloy tuloy na pumasok sa kwarto ng batang lalaki.
"Arkhon!"
---
"Ang sinasabi mo kaisa isang tagapag mana ng Trijo ang mama mo?" Nagdidilim ang anyong sambit ni Cadmus habang nakahawak ng mahigpit sa manubela."Y-Yes at--- at---."
"Kinukuha ka ng lola mo ganun ba?" Putol ni Cadmus na kinagat labi ng dalaga.
"Matanda na ang mama ko at may sakit pa siya ... Cadmus masyado na ding matanda ang lola ko kailangan nila ng tagapag mana para---."
"Pumapangalawa ang Trijo sa mga Acosta at alam kong malaki ang galit ng mga Trijo sa Acosta." Putol ni Cadmus na kinayuko ni Astrid.
"Isa din ang pamilya ng Trijo sa founder ng organization na tinatawag na Trojan binubuo sila ng mga babaeng succesor. Astrid ilalayo ka samin ng pamilya mo at maari pang mapahamak si Cross once na malaman nilang may anak kang lalaki." Naiinis na sambit ni Cadmus na kinatulo ng luha ni Astrid.
"Cadmus anong gagawin ko? Hindi titigil sina lola hangga't hindi ako naibabalik lalo na isa yun sa napagkasunduan nina mama para lang hindi ako ilayo sakanila ni papa." Umiiyak ng dalaga na kinabuga ng hangin ng binata bago inalis ang seatbelt nito at yakapin si Astrid.
"Trust me, hindi ako papayag na mailayo ka nila saakin ... gagawa ako ng paraan."
--
"Mama." Mangiyak ngiyak na sambit ng dalaga bago yakapin ang ina na nakaratay sa kama katabi ang ama nito na agad din siyang niyakap."Shh s-stop crying nakausap ko na sila." Bulong ng ginang matapos haplusin ang pisngi ng anak at tingnan ang binata sa likuran ni Astrid.
"Tita." Ani ni Cadmus matapos magmana sa ginang.
"Kaibigan mo ba siya Astrid? Nasaan si Cadmus?" Tanong ng ginang na kinatigil ng dalaga ng ilang minuto dahil sa narealize ma hindi pala nasabi nito sa ina ang mga nangyari lalo na iba na ang mukha ng kasintahan.
"Kasi mama ... s-siya si Cadmus yung totoong Cadmus."
"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni mama na kinagat labi ng dalaga bago magsimulang nagkwento.
Pero dahil sa may sakit ang ginang may ilang hindi sinabi ang dalaga dahil ayaw na nito mag alala.
Habang nagkukwentuhan ang mag ina at hindi na naman gaanong kabigat ang topic ng dalawa lumabas sandali si Cadmus sa bahay ng mag asawang Salves para lumanghap ng sariwang hangin at mag isip- isip.
Dahil sa nasa probinsya sila at malalim na din ang gabi ng makarating sila sa lugar. Bumungad sa binata ang napakalamig na hangin at maalinsangang kapiligiran na mukhang may malakas na ulan ang darating.
"Cadmus." Napatingin ang binata ng lumabas ang matandang Salves na kinatayo ng binata mula sa pagkakaupo nito sa mahabang kahoy na nasa labas ng pintuan.
"Tito." Ani ni Cadmus hindi umimik ang matanda hanggang sa makaupo ito sa kabilang dulo na kinauupuan kani- kanina ni Cadmus.
"Naikwento na ni Astrid ang lahat at mukhang hindi nga biro ang pinagdaanan mo." Ani ng matanda.
Hindi umimik si Cadmus at umupo ulit sa upuan bago tumingin sa langit at bumuga ng hangin.
"Hindi ko nga alam tito kung bakit ganito, parang ayaw ng diyos na magkasama kami ni Astrid." Ani ni Cadmus.
"Hindi nagbibigay ang diyos ng problema na hindi natin kaya." Sagot ng matanda.
"Nagawa kong ipaglaban si Astrid sa kakambal ko pero ano ng gagawin ko kung yung pamilya na namin both side ang pumapagitna saaming dalawa." Tanong ni Cadmus na kinatingin ng matanda.
"Sumusuko kana?" Tanong ng matanda kinayuko ng lalaki at sabunutan ang sarili.
"Kung nasa akin lang desisyon Tito hindi ako susuko pero hindi kami binigyang pareho ng pagpipilian. Pareho kaming may responsibilidad na kailangan gampanan bilang Acosta at Trijo." Naiinis na sambit ni Cadmus.
"Cadmus ang buhay ng tao punong puno ng pagpipilian at sakripisyo." Ani ng matanda na kinatingin ni Cadmus.
"Pagnagsimula kang tumayo at humakbang ... ano ang una mong titingnan? Diba yung una mong tatapakan." Dagdag ng matanda.
---
Tahimik na humihithit ng sigarilyo si Cadmus sa harapan ng bahay ng mga Salves nang dumating si Astrid at yakapin siya mula sa likod."Masyado ng malalim ang gabi Salves, masama sainyo ng baby ang magpuyat." Ani ng binata matapos itapon ang sigarilyo sa sahig at tapakan.
"Sana maintindihan mong kailangan ko sumama kay Lola, ayokong may gawin siyang masama kina mama ... lalong lalo na sainyo ni Cross." Bulong ni Astrid na kinatahimik ng binata.
"So? Nakapag desisyon kana nga ng hindi man lang tinatanong kung payag ako." Ani ni Cadmus bago humarap at tingnan si Astrid na nakayuko.
"Cadmus." Bulong ng dalaga at nangingilid ang luhang sinalubong ang tingin ng binata.
"Ayokong mas lumalim pa ang galit ng mga Trijo sa pamilya mo Cadmus at madamay dito ang mga anak natin in future. Cadmus kahit para lang sa mga bata gawin natin ito."
BINABASA MO ANG
Gear on Affliction
RomanceBook 1- Infidelity Affection Book 2- Gear on Affliction ---- Prologue "I want some cotton Candy mommy Faster!" Tuwang tuwa na sambit ng isang batang lalaki na nasa anim na taong gulang na bata. "Cross! Wag kang tumakbo baka---." "Cross!" 'Yung bata...