Chapter 5
3rd Person's POV;
"Cross! Arkhon!" Sigaw ni Astrid habang nag aalalang iniikot ang buong mall.Hindi alam ng dalaga kung anong gagawin niya ng bigla na lang mawala ang mga bata kahit ang ilang sales lady na kilala ng dalaga tumulong na sa mga bata.
Mangiyak ngiyak ang babae ng mag iisang oras na nila hinahanap ang mga bata pero hindi nila ito makita kahit saang parte ng mall.
"Astrid mahahanap din sila huminahon ka." Pag cocomfort ng mga katrabaho nito sa mall even ang manager nila sa department tumulong na pero hindi pa din nila makita.
"Ang anak ko pano ako hihinahon dapat hindi ko na siya sinama dito. Pano kung may kumuha sakanila mababaliw ako pag nawala ang---."
"Tita!"
Napatingin ang mga babae sa pinaka entrance ng mall ng may dalawang batang pumasok kasunod ang lalaki.
"Cross! Arkhon!" Sigaw ni Astrid na halos matapilok na makalapit lang sa dalawang bata at niyakap ng mahigpit.
"Saan ba kayo nanggaling ha?!" Umiiyak na sambit ng dalaga bago tingnan si Cross na napayuko na lang ng makita nanamang umiiyak ang ina.
"Ikaw Cross sumusobra kana talaga! Lagi mo na lang ako pinag aalalang bata ka!*sob* mabaliw baliw na ako sa kahahanap sainyo ... ano sabi ko diba sabi ko sa lobby lang kayo diba? Alin dun ang mahirap intindihin Cross." Umiiyak na sambit ng dalaga na napaupo na sa sahig dahil sa panghihina at sobrang galit.
Kung dati nakakasagot pa ang batang si Cross tuwing pinagagalitan siya ng ina. Pag umiiyak na ito kahit isang salita wala ng lumalabas sa bibig ng bata.
"Tita sorry po hindi namin sinasadya hindi na mauulit." Nangingilid ang luhang sambit ng batang si Arkhon ng makita ang pag iyak ng dalaga dahil sa sobrang galit at pag aalala.
---
"S-Salamat Mr.Acosta sa pag sama sa mga bata hindi ko talaga alam ang gagawin ko pag nawala sila." Mababa ang boses na sambit ni Astrid bago tingnan ang batang si Cross na nakaupo sa bakal na upuan sa lobby at nakayuko."Matalinong bata ang anak mo wag ka lang masyadong mag alala at masyadong mahigpit sa bata." Ani ng binata na kinatingin ng dalaga.
"Hayaan mong mag expand si Cross bigay mo ang hilig niya habang iniexplain ang mga bagay na maaring maging consequence nun. Kailangan mo din siguro magkaroon ng extra time sa anak mo at kausapin paminsan minsan para masanay siyang mag open up sayo habang bata pa." Dagdag ng binata bago tingnan si Astrid.
"Masyadong matanong si Cross at pag hindi siya nakakakuha ng sagot gumagawa siya ng paraan na sa edad niyang yan napakadelikado, sabi ni Arkhon umalis daw sila dito sa mall dahil may sinusundan silang lalaki na akala nila ako."
"Bakit ka daw sinundan?" Tanong ng dalaga.
"Tinanong niya kung kaano ano ko daw ang daddy niya at may isa pa siyang tinanong na mukhang hindi ko nasagot ng tama kaya tiningnan niya ako ng masama." Natatawang sambit ng binata.
"Matalino ang anak mo Ms.Salves, sa edad niyang yan masyado ng bukas ang utak niya sa mga bagay bagay kaya lalong mas dapat mong ipaintindi ang mga bagay na gumugulo sakanya." Dagdag ng binata bago nakapamulsahang tumalikod at naglakad palapit kay Cross na nakayuko.
Habang si Astrid naman ay biglang naguilty ng marealize na mukhang nagkamali talaga siya kung paano palakihin si Cross. Lagi niyang pinagagalitan ang bata pero hindi naman iniexplain kung bakit niya ginawagawa yun, siya dapat ang umiintindi pero sa sinabi ng binata parang si Cross pa ang umiintindi sakanya.
Habang tinitingnan niya ang dalawa hindi nito maiwasang ma amaze ng makita ang pag lambot ng expression ni Cross.
Hindi naririnig ng dalaga ang usapan ng dalawa pero mukhang may sinasabi ang binata na kinatango ni Cross.
BINABASA MO ANG
Gear on Affliction
RomanceBook 1- Infidelity Affection Book 2- Gear on Affliction ---- Prologue "I want some cotton Candy mommy Faster!" Tuwang tuwa na sambit ng isang batang lalaki na nasa anim na taong gulang na bata. "Cross! Wag kang tumakbo baka---." "Cross!" 'Yung bata...