Chapter 17
3rd Person's POV;
"Anong oras ang meeting mamaya?" Tanong ni Lake sa tumatayong director ng mall."3pm to be exact President ang meeting niyo mamaya sa mga shareholders." Sagot ng matandang kasalukuyang nakasunod sa binata.
"May 2hours na vancant time pa pala ako." Ani ng binata bago harapin ang mga staff na nakasunod sakanya.
"Bumalik na kayo kung saan kayo naka assign gusto ko mapag isa." Ani ng binata na kinayuko ng mga nakasunod sa lalaki bago walang imik na umalis.
'Si President.'
Nagkanya kanyang yuko ang ilang staffs ng makita ang binata habang ang ilang costumer naman ay napapatitig na lang sa lalaki at kumukuha ng pictures.
---
'Gosh girl alam mo ba since ng maging president natin si president Lake dumami na ang tao sa mall gosh.''Balita ko pa nga bigla daw tumaas ang ratings ng products na naibebenta natin ngayong buwan kyaah.'
'Tapos alam mo ba yung mga former members ng Hidden Genesis! Gosh andito silang lahat kahapon.'
Hindi na lang umimik ang dalaga sa mga naririnig na usapan lalo na at may tao siyang inaabangan.
"Girl ano ginagawa mo dito?" Tanong ni Cath ng makita ang babae.
"Pumasok ba si Sir Lake ngayon?" Tanong ng dalaga.
"Oo girl actually kararating niya lan--- sissy!" Tawag ni Cath ng lampasan siya ni Astrid at maglakad ito paalis. Papunta sa lugar kung saan ang opisina ng presidente.
---
"Pasok." Bored na sambit ni Lake habang nakaupo sa swilve chair nito at nakasampa ang dalawang paa sa lamesa."Mag usap tayo." Ani ng dalaga matapos itong kumatok at pumasok sa opisina.
Nanatiling nakapikit ang binata habang ngumunguya ng bubble gum.
"Kung about ito kay Cross kalimutan mo na." Walang buhay na sambit ng binata bago imulat ang mga mata at salubungin ang tingin ng dalaga.
"Bakit ka pa ba bumalik? Para guluhin mo nanaman ang buhay ko?" Nangingilid ang luhang tanong ng dalaga habang nakayukom ang kamao at nakatingin sa binata na walang expression na nakatingin sa dalaga.
"Callius nagmamakaawa ako ibalik mo na ang anak ko, hindi ko kayang mawala si Cross please Callius." Ani ng dalaga bago lumuhod sa harap ng binata at magmakaawa.
"Ibaba mo talaga ang sarili mo para lang makuha ang bagay na sayo naman talaga?" Walang emosyong sambit ng binata matapos tumayo at naglakad palapit sa babae.
"Gusto ko lang makita si Cross yun lang, alam ko kung saan ako lugar nararapat pero bilang isang ina gusto ko makita ang anak ko." Mangiyak ngiyak na sambit ni Astrid.
"Callius nagmamakaawa ako ang ana---."
Napatigil ang dalaga ng lumuhod sa harap niya ang binata at hawakan ang panga ni Astrid.
"Sa dami ng sinabi mo ang pangalan lang ng kakambal ko ang naririnig ko." Walang buhay na sambit ni Lake dahilan para umilap ang mata ng dalaga.
"Tama na ang pagpapanggap Callius sinabi na ni Cadmus na ikaw si Callius pati na din ng Blacksphere nagpaopera ka at sa tingin mo maniniwala pa ako sayo." Nag gigitgit na sambit ng binata.
Hindi umimik ang binata hanggang sa ilapit nito ang mukha sa dalaga.
"Alam kong nakikilala mo ako Salves, dahil minsan mo ng sinabi sakin kung pano mo nalalaman kung sino ang totoong Callius at Cadmus." Walang emosyong sambit ng binata dahilan para itulak siya ng dalaga palayo.
BINABASA MO ANG
Gear on Affliction
RomanceBook 1- Infidelity Affection Book 2- Gear on Affliction ---- Prologue "I want some cotton Candy mommy Faster!" Tuwang tuwa na sambit ng isang batang lalaki na nasa anim na taong gulang na bata. "Cross! Wag kang tumakbo baka---." "Cross!" 'Yung bata...