36

515 16 0
                                    


Chapter 36
3rd Person's POV;
"Ano?!"

"What the fuck!"

"Sira na ba ang ulo mo Acosta!"

Sunod-sunod ang mura na pinakawalan ng Blacksphere at ng dalawa sa Hidden Genesis ng kontakin sila ni Cadmus at sabihin ang nangyayari at mga mangyayari pa.

"Siguro nga sira na ang ulo ko kasi gusto ko pa din pakasalan ang ina ng mga anak ko. Kahit sa huli hindi naman kami pwede magsama." Ani ni Cadmus na kinasapo sa noo ni Venedict.

"Gosh so complicated naman ng love story niyo kuya Lake." Komento ni Worth.

"Tangna naman pre, suicide na yang iniisip mo." Ani ni Alvis.

"Hindi naman problema samin yun, tutulungan ka namin pero Cadmus handa ka ba sa consequence? I mean kasal na ang usapan dito ... kung hindi man magawa ni Astrid ang responsibilidad niya sayo bilang asawa at---."

"Madrigal, ni sa panaginip walang ibang babae bukod kay Astrid ang gusto kong pakasalan." Putol ni Cadmus.

"Then tapos ang usapan kailangan natin kikidnappin ang Bride." Ani ni Alvis bago tingnan ang mga kasama.

"May magrereklamo ba?" Tanong ni Alvis sa Blacksphere at sa kambal na Revere.

"Cadmus sigurado kana ba talaga sa gagawin mo? Pagpasok pa lang sa Palasyo ng mga Trijo suntok na sa buwan." Sabat ni Charlie.

"Nakapasok na ako dun once at talagang mahigpit ang security nila." Dagdag naman ni Keinzu.

"Wala akong pakialam ang mahalaga makuha natin si Salves." Ani ni Cadmus na kinatinginan ni Charlie at Kein.

"Then we're in." Ani ni Charlie na kinatango ni Kein.

"Maraming salamat." Ani ni Cadmus bago nakapamulsahang tumingin sa labas ng glasswall kung saan kitang kita ang buong city.

"Acosta ayos na lahat, within 5 minutes andito na ang private plane na pinadala ni Trinity." Ani ni Dale matapos buksan ang pinto ng opisina at tingnan ang mga lalaki sa loob.

"Dale ikaw muna bahala kina Cross, kung pwede kausapin mo na din si Arkhon at pilitin niyo si Cross na kina Aila muna magstay." Bilin ni Cadmus.

"Fine call me if may kailangan pa kayo, tinawagan ko na din ang ilang tauhan ko sa Paris para iassist kayo.=_=" ani ng binata.

"Kyaah! I'm excited na pupunta tayo ng Paris, Worth." Ani ni Tori bago nagtatalon habang yakap ang braso ni Worth.

---
"Mag iisang linggo na hindi pa umuuwi sina mommy." Ani ni Cross.

"Kasama ni Tito si Tita, you don't need to worry." Ani ni Haru habang nagbabasa ng libro at nakahiga sa sofa.

"Hindi ako nag aalala kay mommy.=_=" sagot ni Cross bago naka cross arm na hinarap si Arkhon na nakadapa sa carpet at pinaglalaruan ang xyclopone na nadampot kung saan.

"Sawang- sawa na ako sa pagmumukha niyo at sa mga take out food na pinadedeliver niyo dito grr." Inis na sambit ni Cross.

"Sawang sawa na din ako sa mga reklamo mo Cross Acosta baka nakalimutan mong pareho lang naman tayong nag tatatiyaga pakisamahan ang isa't isa." Hirit ni Haru.

Sasagot na sana si Cross para bulyawan ang guardian ng may kumatok sa pinto.

Walang gumalaw kina Haru at Cross kaya tumayo si Arkhon para buksan ang pinto.

"Sino yan?" Tanong ni Arkhon habang nakatayo sa hindi kalayuan sa pintuan.

"Arkhon si Tito Dale ito pakibuksan ang pinto." Sagot ni Dale mula sa kabilang pinto.

Gear on AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon