19

481 17 0
                                    


Chapter 19
3rd Person's POV;
"Sabi ko dalhin mo dito yung kahon diba?" Nakataas ang kilay na tanong ng babaeng nangangalang Angela Ursua kay Astrid.

"Nasa---."

*blaag*

Napatigil ang apat ba babae ng may gwapong lalaki ang lumapit sakanila at binagsak ang kahon.

'Gossh ang gwapo girl.'

"Tinulungan niya ako Ms. Ursua, bago din siya production at--."

"Ako na mag aassist sakanya." Pagpiprisinta ng isa sa mga kasamahang babae.

"Pinaassist ako ni Mr.President kay Ms.Salves kaya salamat na lang." Tanggi ng binata bago tingnan si Astrid na umiwas ng tingin ng masama siyang tiningnan ng mga babae.

--
"Dapat hindi kana tumanggi ... wala pa akong isang buwan sa production na ito at alam kong mas matutulungan ka nila." Ani ni Astrid matapos nila mag ikot ikot sa buong mall.

"Hindi ako ako komportable sakanila." Sagot ng binata.

"Saan ka ba iniassign ni Lake?" Tanong ng dalaga.

"Maintenance,pero sa theatre room ako."sagot ng binata.

"Wala ako gaanong alam sa theare pero tara magtatanong tayo." Ani ng dalaga bago hilahin si Fort papunta kung saan.

"Maintenance? Ow dun kayo kay Manong Bernard magtanong siya nag aassist sa mga baguhan." Ani ng lalaki na pinagtanungan nina Astrid matapos ituro ang matandang nag aayos ng pinaka stage ng theatre.

Lumapit dun si Fort pero si Astrid naiwan habang nililibot ang paningin sa paligid.

Hanggang sa mapako ang tingin niya sa isang bahagi ng theatre may bulto dun ng tao na nakatayo.

Nakatingin ito sa babae kaya dahan dahan siyang naglakad palapit sa lugar hanggang sa makakita siya ng isang rebulto na akala niya tao.

"Teka bakit andito ang wrist watch ni Lake." Bulong ng dalaga matapos niyang makalapit.

Tumingkayad ito ng subukan nitong abutin ang relo hanggang sa maitulak niya ang bato at---.

"Aaaah!" Tili ng dalaga ng matumba yung bato at mawasak ang sahig pero bago pa siya mahulog kasama ang bato may taong humila sakanya pabalik na kinalamig ng dalaga.

Nagkagulo ang mga maintenance na nasa loob ng theatre ng makita ang butas sa sahig.

"Anong ginagawa mo?" Nakakunot ang noong tanong ni Fort habang hawak ang babaeng nanlalamig dahil sa takot lalo na ng makita ang taas na babagsakan niya.

"Yung relo ni Lake nasa batong yun." Ani ni Astrid na kinakunot noo ng binata.

"Kukuhanin ko mamaya bumalik kana sa factory." Utos ni Fort matapos tingnan ang butas.

---
"Iniisip ng staffs na marupok lang ang kahoy kaya nabutas pero hindi ako naniniwala." Ani ng binatang si Regulus matapos makausap si Lake.

"What do you mean?" Tanong ni Lake bago inangat ang tingin nito sa binata.

"Sayo ba ito?" Tanong ni Regulus matapos ibaba ang wrist watch na hawak nito.

Nang ibaba yun ni Regulus chineck ni Lake ang wristwatch na suot at nakitang parehong pareho.

"Walang stock nan dito sa pilipinas at sa U.K lang yan mabibili diba? Nakita yan ni Salves na nakasabit kaya akala niya sayo." Dagdag ng binata.

"So? Sinasabi mo sinadya ang nangyari? Sino naman magtatangka sa buhay ni Salves?" Nakakunot ang noong tanong ni Lake.

Gear on AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon