14

529 18 0
                                    


Chapter 14
3rd Person's POV;
"Hindi umuwi si Cross?" Kinakabahang ulit ni Astrid ng bumungad sakanya si Cadmus na mukhang papalabas ng bahay.

"Imposible yang sinasabi mo? Saan naman pupunta ang anak ko!" Sigaw ni Astrid.

"Hon kumalma ka muna baka, may ginawang project lang si Cross sa nga k-kaklase niya hahanapin natin siya." Ani ni Cadmus matapos yakapin ang dalaga na umiiyak dahil sa sobrang pag aalala.

Nang gabing yun hindi nagsayang ang dalawa ng oras para hanapin ang anak at pumunta sa posibleng lugar na pwedeng puntahan ng anak.

--
"Iho gabing gabi na ayos ka la---."

"A-Ale p-pwede po m-makitawag." Nahihirapang sambit ng batang lalaki ng makarating siya sa isang maliit a tindahan.

Malalim na ang gabi at ang tindahan na lang na yun ang nakikita niyang bukas.

"Aya! Jusmiyo bata ayos ka lang ba talaga?!" Nag aalalang sigaw ng ale matapos lumabas sa tindahan ng muntikan ng matumba ang batang lalaki.

"M-may k-kailangan lang po ako tawagan." Bulong ng batang lalaki hanggang sa---.

"Bata!" Sigaw ng ale matapos masalo si Cross na biglang nawalan ng malay.

"Ang gwapong bata? Hindi kaya artista magulang nan."

"Aya wag kang maingay baka magising yung bata."

Saway ng ginang sa anak na matamang pinagmamasdan ang batang lalaki.

Hanggang sa kinaumagahan nagising ang batang si Cross at napaingit ng makaramdam siya ng sobrang sakit sa katawan.

"Nay!gising na si pogi!" Sigaw ng dalagita ng makitang nagising na si Cross.

"Iho wag ka munang---."

"K-Kailangan ko t-tumawag." Nahihirapang sambit ni Cross na kinatinginan ng mag ina.

"Aya kuhanin mo yung phone ko baka tatawagan niya ang magulang niya." Utos ng matanda.

"Iho wag kang gumalaw mukhang hindi maganda ang lagay mo." Pag aalala ng matanda matapos makita ang pagkagusot ng mukha ni Cross.

"Nay ito na yung cellphone."

--
"Lake!" Sigaw ng dalagang si Sandara ng makitang alas tres pa lang ng madaling araw nakita niyang nagmamadaling umalis ito dala ang phone niya.

Hindi man lang ito nag abalang magpalit dahil nakapajama at sando lang ito na pinatungan ng jacket.

"Lake!" Sigaw ni Sandara ng makalabas siya ng mansyon pero huli na dahil nakasakay na ang binata sa kotse nito at pinaharurot paalis.

Puno ng pag aalala at takot ang naramdaman ng binata ng may tumawag sakanya at marinig ang iyak ng batang si Cross.

Napahawak ng mahigpit sa manubela ang lalaki at mas lalong pinabilisan nito ang pagpapatakbo na hindi man lang binigyan ng pansin ang mga pulis na sumusunod sakanya na agad din namang nawala dahil sa hindi na nila nagawang habulin ang sinasakyang kotse ng lalaki.

"Cross!" Sigaw ni Lake ng makababa ito ng kotse matapos makarating sa exact location kung saan niya natrack ang phone na ginamit at exact address na binigay.

"Inay andito na yung lalak---."

Naputol ang sasabihin ng dalagita ng pumasok na lang ang binata at tiningnan ang buong paligid ng maliit na bahay.

"Cross." Nanlalamig na sambit ni Lake ng makita ang batang lalaki na nakahiga sa maliit na kama.

"Ikaw ba ang ama ng bata? Mas mabuti pa dalhin mo na siya sa hospital inaapoy siya ng lagnat." Nag aalalang sambit ng ginang.

Gear on AfflictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon