Chapter 39
3rd Person's POV;
"Ayoko talaga ng mga party." Bulong ni Cadmus ng pagtapak niya sa loob ng palasyo.Marami ng mata ang nakasunod sakanya, kahit saan siya tumingin kumikinang sa mamahaling mwebles ang paligid.
Mamahaling mga paintings,vase at ilang mga bulaklak na nag worth ng half of a billion pesos.
"Kung hindi ako isang Acosta at ito ang unang beses na tatapak ako dito iisipin kong mas doble ang yaman ng mga Trijo sa pamilya namin." Bulong ni Cadmus.
"Ilan lang ang babae sa angkan niyo at ang mga Trijo binubuo ng mga babaeng succesor ... hindi na nakakapagtaka kung puro expensive ang mga makikita mong nandito lalo na sa mga Trijo na para sakanila wala ng mas hahalaga pa kaysa sa pera." Ani ni Charlie habang naglalakad sila papasok.
"Kung sa mga Acosta impluwensya, sa Trijo pera ... now iknow kung bakit hindi magkasundo ang mga Trijo at Acosta." May inis na sambit ng binata.
"Dito tayo." Ani ni Charlie bago ayain si Cadmus sa pinakasulok ng entrance hall ng palasyo kung saan kitang kita ang lahat ng bisita.
"Siguradong karamihan sa mga bisita miyembro ng Trojan kaya kailangan natin mas mag ingat." Ani ni Charlie matapos tingnan ang paligid.
"Nandito na ba ang isa sa mga Trijo?" Tanong ng binata.
"Wala siguradong nasa taas pa sila." Bulong ni Charlie matapos tingnan ang suot na wrist watch.
Maya maya napatigil ang mga binata at natahimik ang lahat ng bisita ng mamatay ang ilaw.
Lahat sila tumingin sa napakahabang hagdan na kinatingin din nina Cadmus.
"Salves." Bulong ni Cadmus ng may hindi maintindihan na expression matapos makita ang napakagandang babae na pababa ng hagdan kasunod ang ilan pang mga babae.
Nakasuot ito ng itim na long gown na may white and gold na maskara.
Kahit nag iba ang kulay ng buhok ng dalaga hinding hindi nito makakalimutan ang hugis ng mukha at mga tingin nito.
Astrid Salves's POV;
Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanya- kanyang speech ng mga hindi ko naman kilalang tao.Nanatili lang akong natayo dito katabi si lola hanggang sa magsimula ang sayawan.
"Bakit hindi ka makipag sayawan Astrid." Ani ni lola na kinailing ko.
May ilang lumalapit sakin para makipag sayaw pero agad ko yung tinatanggihan.
Hanggang sa---.
"Can we dance ... mylady."
Napakurap ako at gumuhit ang ngiti sa labi ng makilala ko ang boses ng lalaking nakalahad ngayon ang mga palad.
"Sure." Nakangiting sagot ko kay Kuya Charlie.
Binigyan kami ng daan ng mga bisita at agad na nagsimulang sumayaw.
"Kamusta ka dito?" Bulong ni kuya Charlie.
"Ayos lang naman ako kuya mabait sina lola." Sagot ko na kahit ang totoo nahihirapan ako.
Gustong gusto ko na makita ang anak ko at si Cadmus, gusto ko magtanong about sakanila pero baka isagot ni kuya Charlie umiiyak si Cross at hinahanap ako ni Cadmus, hindi ko makontrol ang sarili ko at tumakas dito.
Patuloy lang kami sa pagsayaw hanggang sa umisang hakbang si kuya Charlie at may lalaking sumalo ng mga kamay ko.
Hindi ko alam kung anong nangyari basta nabato ako sa kinatatayuan ko kasabay ng bolta boltaheng kuryente na gumising sa buong sistema ko.
BINABASA MO ANG
Gear on Affliction
RomanceBook 1- Infidelity Affection Book 2- Gear on Affliction ---- Prologue "I want some cotton Candy mommy Faster!" Tuwang tuwa na sambit ng isang batang lalaki na nasa anim na taong gulang na bata. "Cross! Wag kang tumakbo baka---." "Cross!" 'Yung bata...