Yasmine
I puffed my cheeks to stop myself from laughing while looking at Martin. He’s busy minding those costumers here in small a kalenderya where I work.
Agaw pansin ang lalaking kasama ko kaya lahat ng babaeng customer namin ay siya ang tinatawag upang kunin ang order nila. Buti na lang at hindi ito nagrereklamo at panay ngiti pa rin ito. Pabalik-balik ito sa mga customers upang kunin ang order nila. Habang ako ay bantay sa maliit na counter ng karenderya, at palihim na pinagmamasdan ang kasama ko. Ang gwapo pa rin niya kahit na pawis na pawis na ito. Kahit na ayaw ko sa kaniya ay hindi ko maiwasang mamangha. Bakit ba kasi sa lahat ng lalaking pwedeng ipakasal sa akin ni Dad ay sa kaniya pa?
“Ang sipag naman ng nobyo mo, hija. napakaswerto mo sa kaniya,” hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si ’Nay Linda, ang may ari ng karenderya, kaya bahagya pa akong nagulat n’ong bigla ito magsalita. Nginitian ko lang ito ng tipid at hindi na nagsalita pa. Gusto ko sanang sabihin na hindi ko siya boyfriend, pero kusang tumikom ang bibig ko.
Maswerte sa kaniya? Hmm, siguro. Pero siya, magiging boyfriend ko? Imposible. Kahit kailan ay hindi ko papangarapin na maging boyfriend niya. In his dream.
I admit that Martin is boyfriend material but I can’t see myself as her girlfriend.
Sabado ngayon, syempre walang pasok. Every weekends ang trabaho ko rito, umaga hanngang tanghali lang kaya malaya akong nakakapag-pahinga kapag hapon. Ilang buwan na rin akong nagta-trabaho rito kaya sanay na ako rito.
Nagtuloy-tuloy lang ang aming trabaho at hindi mawala sa paningin ko si Martin, baka kung ano pa ang gawin niya rito, I mean baka dahil sa kahanginan nito ay kung ano-ano pa ang gawin niya.
“Let’s go?” aya ng kasama ko. Hapon na at tapos na ang trabaho ko sa araw na ito, umuwi na rin ang iba kong kasama na hindi ko naman gano’n nakaka-usap.
Kumunot ang noo ko at nagtatakha itong tinignan. “Saan naman ang punta natin, aber?”
Ngumisi na muna ito bago sinagot ang tanong ko. “Well, we’re going to eat outside,”
Hindi naman ako umangal dahil hinila ako nito, buti na lang ay hawak ko ang bag ko kaya wala na akong po-problemahin kapag maiwan ko ito. Gusto ko sanang bumalik dahil hindi ko man lang magawang makapag-paalam kay ’Nay Linda, nakakahiya naman sa kaniya.
Dinala ako nito hindi kalayuan sa karenderya at nagulat naman ako ng huminto kami sa isang maliit na stool. Kung hindi ako nagkakamli puro street foods ang binebenta nila rito.
“Oh, kumakain ka pala ng street foods?” gulat kong tanong sa kaniya at nauna nang maglakad papasok. Hindi lingid sa kaalaman ko na kumakain siya nito, nakakagulat lang dahil si Pauline ay hindi kumakain ng street foods dahil marumi raw ‘kuno’ kaya nagulat ako ng dalhin niya ako rito.
Tinignan ko ang kabuuan ng stool, maliit lang ito gaya ng karenderya ni ’Nay Linda ngunit mas maliit ito ng kaunti at kung bibilangin ay hindi lalampas sa sampung tao ay pwede sa loob.
Napangiti naman ako ’tsaka nagsimulang magtusok-tusok.
“Ate, sampung piraso po ng fishball,” sambit ko. Tumango naman ito at ngumiti sa akin.
Hindi ko na pinansin ang kasama ko at nagtusok-tusok na rin ng mga pagkain. We just enjoyed that day and shared our cringe jokes while eating fishball, kwek-kwek at maramai pa. At no’ng araw na iyon ay pinagsawalang bahala ko muna ang pagka-irita sa kaniya.
***
Monday came, and we have a lot of things to do. Humabol kami sa kaniya-kaniya naming deadline. Pero ang totoo chill lang ako, ’yong iba tapos ko na at ’yong ipapasa namin sa susunod na buwan na thesis din ay natapos ko na rin.

YOU ARE READING
Run Into my Arms (TO BE PUBLISHED)
RomanceStand Alone Novel | 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐝. --**-- When your parents force you to marry a person you don't love. Then, you need to live in a new environment and find a new comfort zone. Yasmine Hezr, a girl with a good heart who always obeys her parents...