YasmineCalled it cringe but walking in the seashore with him is the best for me. I find it sweet.
Ang sarap kaya sa feeling kapag gan'to, ngayon ko lang naranasan ang ganito, eh. Ang alam ko lang naman ay tumakas sa mga magulang ko at gawin ang mga gusto kong gawin. Well, That's my life before. I was a stubborn child, of course. Pero lagi namang mga magulang ko ang nasusunod, tumatakas lang ako minsan. Pero no'ng mag-isa na ako sa condo, do'n ko lang narealize mali pala talaga ang lahat ng ginawa ko.
Napailing na lang ako.
"Sorry!" napatingin naman ito sa aking ng biglang akong magsalita.
Tumaas ang isang kilay nito kaya napatawa naman ako, he's really act like a girl. Sometimes!
Tumigil na ako sa kakatawa tsaka yumuko, "S-sorry for doubting your love, hindi mo naman ako masisisi kung may trust issue ako, eh. I was afraid that you're just playing around with me. . ."
Pinikit ko na lang ang aking mga mata at hinayaan may tumulong butil ng luha sa pisngi ko.
I heard his heavey sighs, tsaka ako pinaharap sa kaniya. Pinunasan nito ang mga luha ko, at tinignan ako gamit ang seryoso niyang mukha.
"Kahit pagdudahan mo panako ng paulit-ulit, ikaw at ikaw pa rin. . ." bulong nito sa akin.
SUMAPIT ang gabi at hinihintay ko na lang na matapos magluto itong si Martin.
"Gutom ka na ba?" tanong nito sa akin, at agad naman akong tumango.
We're here at Davao, by the way. Andito sa isa sa mga rest house namin.
Tumawa naman ito kaya napanguso ako. "Just give me a minutes, malapit na maluto itong adobo mo!" naiiling na sambit nito.
Tumango na lang ulit ako at pinanood itong magluto. He looks hot.
"Baka matunaw ako sa kakatingin mo sa akin," apaiwas naman ako ng tingin dahil sa sinabi nito.
I rolled my eyes, hindi ko naman kasalanan na napapatingin ako sa kaniya, he's so fucking hot and cool while cooking.
Nilapag na nito ang mga niluto niya sa lamesa tsaka niya nilagyan ng kanin ang aming plato. "Kumain ka ng marami pa maging malusog ka!" aniya.
Tumango naman ako at napanguso, "Pinapataba mo naman ako Martin, eh!" reklamo ko 'tsaka siya dinuro. "Baka mamaya kapag tumaba ako, bigla mo na lang akong iwanan, eh." umiwas naman ako ng tingin dahil sa naiisip ko.
I always look for negative things, hindi naman niya ako masisisi ro'n, gano'n naman ako, eh. Laging nag-o-overthink, nakadepende ang buhay sa purong negatibo na bagay, at hindi nag-iisip ng mga positibong mga bagay, I don't want to give myself a false hope. Ayaw ko!
"Look at me, Yasmine!" sinunod ko naman ito at humarap sa kaniya.
When our eyes locked, hindi mapigilang tumibok ng mabilis ang puso ko, at libong-libong paro-paro ang lumipad sa aking tiyan.
Baka bulate lang 'to, hindi paro-paro!
Napailing naman ako. "Yasmine, ikaw lang, okay? Kahit na ano ka pa tatanggapin kita. Kahit na ikaw na ang pinaka pangit, or pinaka mataba sa mundo, ikaw lang ang pipiliin ko!" aniya. "'Tsaka, kahit ano ka pa maganda ka pa rin sa paningin ko." dugtong nito kaya mas lalo akong namula.
YOU ARE READING
Run Into my Arms (TO BE PUBLISHED)
RomanceStand Alone Novel | 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐝. --**-- When your parents force you to marry a person you don't love. Then, you need to live in a new environment and find a new comfort zone. Yasmine Hezr, a girl with a good heart who always obeys her parents...