Chapter 24

59 7 0
                                    

Yasmine

Nagising na lang ako dahil naramdaman kong mabigat na kamay na nakapatong sa tiyan ko.

Humarap naman ako sa katabi ko at agad na nanlaki ang mata ko ng mapagtantong si Martin ang kasama ko.

Hindi ako agad nakareact hanggang unti-unti nitong minulat ang mga mata niya habang ako ay nakatulala sa kagwapuhan nito.

“Good morning, darling.” bati nito sa akin at malaki ang ngisi sa kaniyang labi.

Napaawang naman ang bibig ko ng bigla ako nitong nakawan ng halik sa labi. “What the hell?” bumangon naman ako ’tsaka siya sinamaan ng tingin.

“Morning,” walang ganang sagot ko at tumayo na.

Hindi ko na pinansin ang pagtawag nito sa akin, dire-deretso lang ako papasok sa banyo.

When I close the door, nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.

Bakit parang ang dali lang sa kaniya? Pa’no niyang nagawang umakto na parang walang nangyari?

Naghilamos na lang at ako nagtoothbrush, buti na lang dalawa ang toothbrush dito, ang isa ay kulay asul at isa naman ay pink. Hindi pa ito nabubuksan ang toothbrush.

Pagkatapos ko ay naligo na rin ako at humiram lang ako kay Martin ng damit. Hindi rin naman ako gano’n nagtagal kaya pagkatapos ko gawin ang mga kailangan ay bumaba na ako para sumabay sa kanila sa hapag.

“OMG, Hi, bhie!” napatigil naman ako ng marinig ko ang boses ni Pauline sa likuran ko. Hindi ko ito tinapunan ng tingin at nagderetso lang sa paglalakad at tahimik na umupo sa tabi ni Martin dahil iyon lang ang bakanteng upuan.

Wala pa ang mga magulang nila kaya humarap ako sa kaibigan kong nakasimangot ngayon. “Where is your—” hindi pa man ako natatapos ang tanong ko ay inunahan na ako ni Pauline.

“Kasama tatay niya,” tumango na lang ako at hindi na sumagot pa dahil dumating na sila Tita.

“Oh, hija. Buti naman gising na kayo!” sambit ni Tito at nginitian ko lang ito.

“Ahm, opo,” nahihiyang tumungo ako. I heard they both laugh, because of my actions.

Ngumiti ako naman sa kanila. Nagsimula na kaming kumain habang masayang nagkukwentuhan sila Pau at ang kaniyang mga magulang, habang kami naman nitong lalaking katabi ko ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.

Nang matapos kami ay agad din silang nagpaalam dahil may importanteng meeting pa raw sila kahit na gabi na. Tanging tango at tipid na ngiti lang ang naisukli ko sa kanila.

“Uuwi na ako,” basag ko sa katahimakang namayani sa amin ng ilang minuto.

Pauline raised her eye brow but she remain silent and excuse her self.

I tsked at tumayo na. “Hindi ka uuwi.” may diing sambit nito sa mga katagang lumalabas sa bibig niya, tila inuutusan ako nitong manatili.

“Why would I?” hindi naman ito agad nakasagot.

“Bakit parang ang dali sa ’yo ang lahat, Martin? Bakit ang galing mong umarte na parang wala lang nangyari? Gago ka talaga, ’no?!” hindi ko mapigilang sigawan ito at pinipigilang huwag tumulo ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.

Run Into my Arms (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now