Yasmine
Napabangon ako sa aking higaan ng may maramdaman ako kung ano sa katawan ko.
“Pauline!” malakas na sigaw ko sa pangalan ng aking kaibigan ng makita ang higit isang daang pekeng ipis na nasa higaan ko.
Rinig ko ang tawanan nila mula sa labas ng aking kwarto. Halos may lumabas na usok sa ilong ko dahil sa inis.
Ang sarap-sarap nang tulog ko tapos gan’on ang bubungad sa akin paggising ko? Hindi yata makatarungan ’yon. Hindi gano’n ang bonding mga ’te!
Nakasimangot akong nagtungo sa banyo ’tsaka ginawa ang morning routine ko.
“Ang sama niyo sa akin,” inis kong sambit sa kanila ng makababa ako pagkatapos kong maligo at magbihis.
Hindi nila ako pinansin at tuloy lang sila sa pagtsi-tsismis-an. Aba, mga walang modo.
Umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagpapatuyo ng buhok ko.
Araw-araw na lang nila ako pinagti-trip-an. Trip talaga nila ako.
Napasimangot na lang ako, “Bakit ganiyan suot niyo? Saan punta natin?” tanong ko ng mapansing hindi sila naka-uniform.
“Walang pasok, gaga!” sambit ni Pauline at saka umirap sa akin.
Sinamaan ko ito ng tingin. Attitude.
“I mean, hindi ba’t attendance lang ang punta natin sa school mamaya?” aniya at napatango naman ako. Oo nga pala tapos na pala ang exam namin n’ong isang araw, tapos second sem na namin next month.
“Okay,” nagpaalam na muna ulit ako sa kanila at magpapalit lang ng susuotin.
Humihikab akong naglalakad papunta sa classroom namin, nauna na ang mga kaibigan ko dahil iniwan nila ako sa bahay ng mag-isa. Pagkatapos ko silang paglutuan ng almusal iniwan nila ako ro’n at ako pa talaga ang nagligpit ng mga pinagkainan nila. Pinagkakaisahan talaga nila ako.
Alas dies na ng umaga kaya medyo mainit na pero hindi mawala-wala ang antok ko. Kasalanan talaga ito nila Pauline, pinuyat nila ako kagabi. Nag-aya kasi sila na magmovie marathon sa apartment ko kaya pumayag na ako, kaya hanngang alas tres ay nanood lang kami tapos puro horror movie naman pinanood namin. Sa isang bakanteng kwarto sa apartment ko sila natulog kasi ayaw ko silang makatabi.
Pagdating ko sa classroom ay may kaniya-kaniyang ginagawa ang mga kaklase ko. Nakita ko sa second door ng silid si Sophia na nagti-tiktok.
Napaismid naman ako, marunong ngang sumayaw ang tigas-tigas naman ng katawan.
Binaling ko na lang ang tingin ko sa mga walang’yang kaibigan ko na naglalaro ngayon ng codm.
“Hoy, mga walang hiya!” inis kong sigaw kanila ’tsaka sila isa-isang binigyan ng malakas na batok.
“Para saan ’yon?” may halong inis na tanong ni Pauline sa akin.. Pinanlakihan ko ito ng mata, ’tsaka umirap. Umaayos ito ng upo at nagpatuloy sa paglalaro.
Hindi ko na lang sila pinansin at umupo na lang sa bakanteng upuan na katabi ni Moana.
Napansin ko lang, “Asa’n si Michaela?« takhang tanong ko.
“Hindi raw papasok. May sakit kasi ’yong kapatid niya, walang nagbabantay kasi nasa trabaho parents niya. Tapos ayon sabi niya hindi na muna raw siya papasok kasi babantayan niya kapatid niya,” mahabang sagot ni Sophia na nasa tabi ko na pala.
Tumango na lang ako at hindi na sumagot pa. Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na rin si Prof. Santiago.
Binati namin ito lahat at bumati rin ito pabalik. Bago ’yon, a.
YOU ARE READING
Run Into my Arms (TO BE PUBLISHED)
DragosteStand Alone Novel | 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐝. --**-- When your parents force you to marry a person you don't love. Then, you need to live in a new environment and find a new comfort zone. Yasmine Hezr, a girl with a good heart who always obeys her parents...