Chapter 23

54 6 0
                                    


Yasmine

“Bakit kayo nandito?” napatalon naman ako dahil sa gulat ng biglang sumulpot sa aming harapan ang isang taong hindi-hindi ko makakalimutan. Taong sumira sa akin. A-ano ang ginagawa niya rito?

Napatulala ako ng ilang minuto sa mukha nito, “M-Martin?”

Tila nawala ang nararamdaman kong pagkahilo at natulalang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. Ilang beses pa akong napakurap, nananaginip ba ako?

“I said, what the hell are doing there?” may halong inis nitong sigaw sa akin kaya napatalon naman ako dahil sa gulat, tinuro nito ang kapatid niyang natutulog. “Kanina pa ba ’yan lasing?”

Hindi naman ako makasagot at nanatiling nakatulala. Hindi ko alam ko ano ang mararamdaman ko ng makita ko ito muli. After ilang years magpapakita ito ng parang walang nangyare?

“Ano ba ang pakialam mo?”

Natigil naman ito dahil sa tanong ko, he murmured something but I didn’t hear it. I rolled my eyes at umisid na lang.

“Iuuwi ko na kayo,” may diin nitong bigkas.

Umakto akong walang narinig at pinigilang siyang buhatin si Pauline. Alam kong kapatid niya ito, pero sadyang ayaw ko lang talagang kunin nito ang kaibigan ko.

Narinig ko ang malutong na pagmura nito at hinilot ang sintido nito.

“Damn, ang tigas pa rin ng ulo mo hanggang ngayon,” rinig kong bulong nito kaya napa-iling na lang ako.

“Bahala ka sa buhay mo,” hindi ko na ito pinansin pa, ininom ko na lang ang natitirang alak sa lamesa.

“Hey, stop it!” pigil nito sa akin ngunit nailagok ko na ito. Hindi naman ito nagsalita at pinabayaan na lang ako, bumuntong hininga naman itong kasama ko at nagtimpa sa cellphone nito. Inikot ko lang ang tingin ko sa mga taong may kaniya-kaniyang ginagawa tila’y walang pakealam sa mundo. Some of them making out without minding those people who’s watching them, yuck.

Lumipas ang ilang minuto at walang nagtangkang magsalita sa aming dalawa.

“Umuwi na tayo. . .” “Umuwi ka na, Martin. . .” sabay naming sambit kaya napayuko na lang ako. I felt my heart stopped beating for a second, at naramdaman ko ang unti-unti nitong paglapit, kaya pigil hininga akong umiwas sa kaniya.

“Damn, bakit mo ba ako iniiwasan?” tanong niya, he’s mad.

“Bobo mo,” tanging sambit ko, his mouthed fell half open kaya napanguso naman ako.

Umiling na lang ako dahil sa naiisip ko, pagkatapos ako nitong iwan, nagawa ko pa talagang humanga sa kaniya, huh?

“You betrayed me,” bulong ko at sapat na iyon para marinig niya.

“I didn’t,”

“Sure ka?” natatawang kong sagot at umiling na lang.

“While you was my fiancee, you’re dating with Shaira, kaya lagi kang nawawala, right?” hindi naman ito nakasagot at natahimik ng ilang segundo.

The silence interrupt by someone.

“Where’s Pau?” sulpot ng lalaking naka mask.

Run Into my Arms (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now