Yasmine
Malalim akong napabuntong hininga at ilang beses pinigilang pumikit ang mata ko. We’re just waiting for our professor to come for our next subject.
“Hoy, ayos ka lang?” Michaela asked.
Tumango naman ako, “Ha? Oo naman okay lang ako. Inaantok lang ako,” sagot ko sa kaniya at nginitian ng tipid.
Antok na antok na talaga ako. When our professor came everyone become silent, we thought that he will yelled at us dahil sa ingay nila ngunit nanatili itong nakangiti at isa-isa niya kaming binati dahil lahat kami ay nakapasa sa kaniya, we are all thankful because of that. And also thanks god at hindi ito nagdiscuss. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising na lang ako dahil kay Pauline.
“Asan ang iba?” tanong ko sa kaniya nang mapansin kong kami na lang ang natira sa loob ng silid. Kinusot ko naman ang mata ko at napahikab.
“Kanina pa lumabas, and hindi pa sana kita gigisingin kaso magdidilim, eh!”
I just nodded at nagpaalam na lang ako sa kaniya. Hindi ko na hinintay ang sagot nito at umalis na.
“Hoy, walang’ya hinintay kita ng ilang oras tapos iiwan mo lang ako rito!” rinig kong sigaw nito pero hindi ko na pinansin pa.
Napaismid na lang ako, hindi ko naman sinabi na hintayin niya ako.
Uuwi na sana ako pero napagpasyahan ko munang dumaan sa karenderya nila ’Nay Linda upang kumain muna. Ilang oras na pala akong tulog kaya nakalimutan kong kumain ng lunch.
“Isang adobo po at bulalo. ’Tsaka dalawang kanin po,”
Tumango naman sa akin si Fiona, katrabaho ko rito sa karenderya. Siya lang ang kakilala kong katrabaho sa kanilang tatlo dahil pare-pareho silang tahimik, at hindi na rin akong nag-abala pang tanungin sila baka kasi mailap lang talaga sila lalo na ’yong babaeng nakahijab. She’s wearing a hijab so I think she’s muslim but not like Pauline, hindi siya balik islam, she’s born a muslim.
Kinuha ko na ang order ko at tahimik na kumakain.
“Oh, hija. Andito ka pala,” natigil ako sa pagsubo ng kinakain ko ng biglang sumulpot sa harapan ko si 'Nay Linda.
“Ah, opo. Kumain na po ako ng dinner dito,” nahihiya kong sambit at tipid na ngumiti rito. She’s so kind kaya medyo magaan ang pakiramdam ko kapag kausap ko siya. Though, medyo nahihiya ako.
Tumango naman ito at ngumiti sa akin ng matamis. “Sige kain ka lang nang kain, magpakabusog ka. At saka kung gusto mo pa ng kanin at ulam pwede kang dumagdag libre na ’yon,” aniya.
Hi-hindi na sana ako kaso naalala ko 'yong sinabi niya sa akin noon.
“Kung malungkot ka, punta ka lang sa karenderya ko. Libre na ang pagkain dahil ako mismo ang nagluto,” sambit ng isang ginang sa akin ng matagpuan niya akong umiiyak sa gilid ng kalsada. "At saka kung masaya ka naman ay punta ka rin sa karenderya ko upang kumain. May mga tao kasing tanging pagkain lang ang solusyon sa lungkot nila at may mga tao ring kapag masaya sila ay gusto na lang nilang kumain. Kaya ako nagpatayo ng isang maliit na karenderya para may makainan ang mga taong malungkot kahit na sa isang simpleng karenderya lang kapag hindi nila kayang kumain sa mamahaling restaurant. . .”
Tandang-tanda ko pa ang mga sinabi nito, at hindi ko iyon kakalimutan. Food is life, kapag malungkot ka ikain mo na lang, at kapag masaya ka, ikain mo rin and kung gusto mo magpakain ka na rin ng mga kasama mo para mas lalong masaya. Though, medyo nakakatawa pero may point naman talaga ang sinabi ni ’Nay Linda.
Napangiti naman ako ng malawak at hindi ko alam kung ano ang i-re-react ko. Siya ang tumulong sa akin n’ong nahihirapan akong humanap ng matutuluyan, at siya rin ang nagpasok sa akin sa trabaho, I’m so thankful to have ’Nay Linda in my life.
YOU ARE READING
Run Into my Arms (TO BE PUBLISHED)
Любовные романыStand Alone Novel | 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐝. --**-- When your parents force you to marry a person you don't love. Then, you need to live in a new environment and find a new comfort zone. Yasmine Hezr, a girl with a good heart who always obeys her parents...