Chapter 25

65 6 0
                                    

Yasmine

Friday came, ngayon ang pinagplauhan naming bakasyon nila Pauline at Daniel kasama ang girlfriend nitong higad. Actually, bukas pa dapat kami pupunta rito sa Boracay, kaso mapilit si Dan, hindi naman ako maka-hindi kaya pumayag na lang ako, hapon ang napag-usapan namin na magkita.

“Yasmine!” natakpan ko naman ang tainga ko dahil sa biglang pagsigaw ni Daniel sa pangalan ko kaya napapatingin sa gawi namin ang ibang tao na rito. Naiilang akong ngumiti sa iba at yumuko.

“Nakakahiya ka kahit kailan, Daniel!” pabiro kong inis na singal sa kaniya bago ito lampasan.

Hindi ko alam kung saan kumukuha ng kapal ng mukha ’yang lalaki na ’yan. Hindi ko nga rin alam kung bakit ko ito naging kaibigan.

“Hoy, ba’t mo ’ko iniwan do’n. Akala ko ba best friend tayo?” sambit ng lalaking kasama ko saka ako inakbayan. Pinabayaan ko na lang ito dahil nasanay na rin ako sa galawan nito. Though, he confess to me last time, not his feeling but he confess something to me that his a bi. Bisexual. Wala akong problema ro’n pero nagulat ako ng may girlfriend pala ito. Sa apat na taon namin pagkakaibigan wala itong sinabi sa akin na may girlfriend ito.

Nang sumapit ang dilim ay napagpasyahan na naming kumain sa isang resto dito sa resort.

Kumakain lang kami ng tahimik, but the silence interrupt by someone.

“Hey, I thought I was late.” sambit nito at nakipag-apir sa kay Dan, ’tsaka hinalikan sa pisnge ang kapatid nito, bago nilipat ang pansin sa akin.

“Hi, love. . .” nakangising sambit nito, lumapit ito sa akin at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi.

Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko at napako ang tingin ko sa kaniya. He still smirking like he won in the competition. His really getting my nerve. Nakakabuwisit!

Umisid na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko na pinansin ang mga kasama kong pare-parehong nakangisi.

“Sorry, I’m late.” sulpot ng lalaki sa harapan namin.

“Oh, by the way. Dan this is Ayman, my husband. . .” napaawang naman ang bibig ko dahil sa sinabi ni Pau.

“Sana all. Inunahan mo pa talaga ako. . .” nakasimangot kong sambit.

“Why? You want me to marry you right now?” naagaw naman ni Martin ang atensyon namin at sinaman ko ito ng tingin.

“Pass, kay ano na lang ako.” ismid kong sambit.

“Kanino?” seryosong tanong nito.

Ngumisi naman ako sa kaniya, “Liam.” tipid kong sambit, at hindi mawala-wala ang ngisi sa aking labi.

Kita ko naman pagbago ng reaksyon nito, madilim ang mukha nito habang nakatingin kung saan. Habang ang mga kasama ko naman ay nagpipigil na tumawa.

“Who the fuck is Liam?” rinig kong bulong nito. I know hindi niya iyon intension para marinig namin iyon, mukha siyang baliw.

I puffed my cheeks to stop myself from laughing. Umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagkain, gano’n din ang ginawa ng mga kasama ko at hindi na pinansin ang lalaking nasa tabi ko. 

Run Into my Arms (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now