Chapter 14

54 12 5
                                    

Yasmine

“Good morning, Yasmine.” bati nila sa akin pagkalabas ko pa lang ng aking silid. Dito na sa condo namin natulog sila Mommy and Daddy, while Lola My and Lolo Dy ay umuwi muna ng mansion at susunod na lang daw.

Well, itong araw ang hinihintay naming lahat,  our graduation day!

“Are you excited?” tanong sa akin ni Mommy. Agad naman akong tumango, “Of course Mom, matagal na namin ito pinapangarap, kahit na senior highschool graduation pa lang ito, feel ko tuloy college graduation namin ito,” natatawa kong sambit sa kaniya.

Nakangiting umiling naman ito tsaka lumapit sa akin, “I’m so proud of you anak, we’re so proud of you!” aniya.

“Ano ba, Ma. Thank you!” naiiyak kong sambit sa kaniya. Hindi man kami kasweet sa isa’t isa ni Mommy ngunit ramdam ko ’yong pagmamahal nito sa akin kahit sa mga simpleng mga gawa nito.

“Ano ba yan, Ma. Pinaiyak mo tuloy ako, dapat mamaya pa tayo magiiyakan, eh.”

Tinawanan lang ako nito, aba tawanan lang ako, pangit din pala ka bonding si Mommy.

NASA labas na kami ng malaking hall kung saan gaganapin ang graduation namin. Maaga pa ngunit marami na ang tao sa loob, habang papasok ay may mga nadaanan akong mga kabatch namin na binati ako kaya binati ko rin sila pabalik.

“Mom, kinakabahan ako!” sambit ko sa aking ina na kanina pa nakangiti.

Baliw na rin ba ’tong si Mommy? Just kidding. Pero kita ko sa mga mata nito ang saya. Ngayon ko lang ulit ito nakita, ’yong kita sa mukha nito ang saya at hindi lang sa ngiti nito.

“Don’t be ’nak, proud kami sa’yo. Maraming tao ang andiyan para suportahan ka, kaya h’wag kang kabahan, marami kaming nasa likod mo.” she said while smiling widely.

“I love you so much, Mom!” I finally said I love you to her, since I become teenager hindi ko na magawa pang sabihin sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.

I know maiintindihan ako ng iba. I love her so much pero nahihiya lang akong sabihin ito sa kaniya. At hindi ko rin magawa dahil lagi itong kasama si Dad na inaasikaso ang kompanya.

“I love you more, anak!” naiiyak ko naman siyang niyakap ng mahigpit. I’m so thankful na may nanay ako gaya niya, sa mata nito ang lungkot habang sinasabi iyon kahit na nakangiti ang labi nito. She’s a good pretender.

“Ano ba, maswerte naman tayong lahat sa mga magulang na’tin. Iba iba lang talaga ang paraan ng pagpapalaki nila sa atin,”

Ngumiti lang ito sa akin, “Yeah, so let’s go inside?” pag-iiba nito ng usapan, tumango naman kami at naglakad na papasok.

Ilang minuto na lang at magsisimula na ang program kaya halos puno na rin itong venue. Kung wala lang talaga aircon itong loob baka habang nagmamartsa ay lahat kami ay pawis na pawis.

Inayos ko ang toga ko at tumingin sa mga kasama kong estudyanteng ga-graduate ngayon.

Ang bawat isa ay masayang nagkukwentuhan kasama ang mga kaibigan nila at pamilya nila, ang iba naman ay tahimik na pinagmamasdan ang lahat na may mga ngiti pa rin sa kanilang labi. Lahat ay masaya pwera na lang kay Moana.

Run Into my Arms (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now