Yasmine
Tahimik kong pinagmamasdan ang mga estudyanteng may kaniya kaniyang mga ginagawa mula rito sa rooftop ng aming paaralan.
Mag-isa na naman ako. I don’t know, but this past few days I really want to be alone.
Gusto ko lang ng katahimikan. Yes, I have a lot of friends, I can hang out with them anytime, pero mas pinili kong mag-isa muna, and isa pa hindi ko lang alam kung sino ang totoo sakanila at kung sino ang tumitira sa akin ng patalikod.
It’s okay to have a few friends but a real ones. I don’t need plastic friends. Just random thoughts today.
Habang nagmumuni ay nakaramdam ako ng gutom kaya naisipan ko ng umalis na muna do’n at magtungo sa cafeteria.
It’s been weeks since my life as fourth year college started. It’s kinda stressing but it’s okay. Kalat na rin sa buong university ang engagement party namin ni Martin n’ong nakaraan.
Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang agad ang impormasyon na ’yon samantala wala naman kaming pinagsabihan tungkol dito. But I alsmost forgot thay Pauline is also a influencer in social media and Martin is famous businessman world wide.
They have a lot of connection, I sigh naghanap na muna ako ng mauupuan at umupo muna saglit. Ang haba ng pila, buti na lang wala kaming pasok today kaya malayang nagagawa ng iba ang kanilang mga gusto.
“Hi?” biglang pagsulpot ng isang lalaki sa aking harapan. He's kinda familiar, ngayon ko lang siya nakita dito sa school pero I think I already saw him.
I don’t know baka may kamukha lang ito.
I smiled. “Ah, h-hello.”
“Yasmine Saldua right?” He ask saka nilahad ang kamay.
Tumango naman ako at inabot ang kamay nito. “Yes, I'm Yasmine, Yasmine Saldua.”
“Nice to meet you, by the way I’m Christopher. . .”
Ngumiti naman ako ng tipid matapos makipagkamay sa kaniya, ang akala ko ay aalis na ito pero nagulat na lang ako bigla itong umupo sa harapan ko.
“May kailangan ka pa?” I asked, umiling naman ito at ngumiti.
“Wala, ahm may I sit?”
I rolled my eyes because of his stupid question. “May magagawa pa ba ako? Nakaupo ka na, eh,”
Tinawanan lang ako nito, kaya hindi ko na lang ito pinansin at tatayo na sana para umorder ng kakainin ko dahil kakaunti na lang ang sa pila, kaso pinigilan ako nito. “H’wag ka ng tumayo, umorder na ako ng pagkain.” he said while smiling ears to ears.
Mapunit sana labi mo sa kakangiti.
Magsasalita na sa ako ng may dumating na mga lalaki habang may hawak na mga tray na punong-puno ng pagkain.
“Saan ’yan galing?” nagtatakang tanong ko habang nakatingin sa mga pagkain.
“I ordered it all.” aniya, tinignan ko ito at hindi na nagsalita pa. Umupo na lang ako sa harap niya.
Nagsimula na akong kumuha ng mga pagkain at pinabayaan ang mga matang nakatingin sa akin.
Alam ko nasa akin ang atensyon ng kasama ko at ang buong cafeteria kaso ang lahat ng ito ay hindi ko pinansin dahil sa nararamdaman kong gutom.
“Yasmine!” rinig kong sigaw ni Pauline mula sa entrance ng cafeteria, tinignan ko itong papatakbo papunta sa akin at pawis na pawis ang mukha nito.
“Bakit ka sumisigaw?” I asked.
“Wait, what the fuck! Mr. Christopher Ramirez?” gulat nitong sambit tsaka tumingin sa sa'kin.
“Do you know him?” tanong ko rito, at agad naman itong tumango.
“Of course, sino bang hindi makakakilala sa pangalawang pinakasikat sa business industry? O, my God!”
Business industry? He’s a business man? I don’t know about that, and also kaya pala familiar mukha niya maybe nakita ko sa mga magazine sa apartment ko.
“I see,” ayan na lang ang naging reaksyon ko at tumingin kay Pau.
“So, ano nga ang kailangan mo?”
“Shit! I almost forgot, kanina pa kita hinahanap girl, Kuya texted me if pwede ka ba raw ngayon? Hindi ka niya raw matawagan.”
“Oh yeah, I’m free but kakain na muna ako kanina pa ako nagugutom eh. And my phone is lowbat. . .” sagot ko.
I forgot to charged my phone kaya iniwan ko na muna ito, I have a spare phone rin naman kaso hindi nila ang alam number ko rito.
“No, kuya asked me if pwede ba kayong maglunch date, actually andiyan na siya sa parking lot. Kanina ka pa niya hinihintay.”
Gulat naman akong napatingin sa kaniya, like seriously? Tinignan ko si Christopher na hindi makasingit sa usapan namin dahil sa sobrang daldal ni Pauline.
“Mister, I’m really sorry. Thanks for the food but I think I need to go. Kayong dalawa na lang ni Pau ang kumain. Thank you again.” sambit ko rito at hindi na hinintay pa na sumagot ito dahil naglakad na ako papalayo sa kanila.
Oh god, nakarating ako sa parking lot ng pawis na pawis kaya inayos ko muna ang aking sarili bago nagtungo sa sasakiyan nito. Buti na lang kabisado ko ang plate number ng sasakiyan niya, “Hi?” awkward kong sambit dito.
He smiled, “Hello, love. . .” aniya saka ako hinalikan sa pisngi. Ngumiti lang ako sa kanya ng tipid. Medyo sanay na ako sa paghalik niya sa aking pisngi pero hindi ko pa rin maiwasang mamula.
Pinagbuksan naman niya ako ng sasakiyan, tsaka siya umikot at pumasok sa driver sit. “Where do you want to eat?” he asked.
Napaisip naman ako, gutom na ako.
“Sa Jollibee na lang,” I said while pouting.
Malapit lang kasi ang jollibe mula rito sa school, gutom na talaga ako. Kung hindi sana sumulpot si Pau e, ’di sana hindi ako gutom, but it’s okay, kasama ko naman si Martin.
Habang nasa byahe ay tahimik lang kaming dalawa. So, I decide na magpatugtug para mabawasan ang tahimik na atmoshpere namin.
We’re already here, at agad din naman akong naghanap bakanteng lamesa habang si Martin ay nag-order ng pagkain namin, buti na lang kakaunti lang ang tao rito kaya hindi rin naman siya natagalan sa pag-oorder.
“Here’s our food,” Martin said, saka nilapag ang mga pagkain nito.
“Thanks!”
“Do you have classes later?” he asked, umiling naman ako agad.
I shook my head, drink my ice tea first before I answered him.
“No, I’m free today. . .” tumango naman ito at ngumiti.
“That’s good, hmm what about tomorrow?”
Napaisip naman ako rito, “Nothing, rest day namin today and tomorrow,” sambit ko sa kaniya.
Mas lumaki pa ang ngisi sa labi nito, “Good.”
“Why are you asking?”
“Nothing, just don’t mind me love, just aking. . .” simpleng sambit nito at nagpatuloy na sa pagkain. Napakunot ang noo ko dahil medyo nawi-weird-han ako sa kaniya. May dalaw ako today kaya iba ang mood ko pero hindi naman ako weird tulad niya.
He’s really weird today but nevermind, wala namang masama na magtanong. Pero iba kinikilos niya, nasapian ba ito? Or weird lang talaga siya palagi.

YOU ARE READING
Run Into my Arms (TO BE PUBLISHED)
RomanceStand Alone Novel | 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐝. --**-- When your parents force you to marry a person you don't love. Then, you need to live in a new environment and find a new comfort zone. Yasmine Hezr, a girl with a good heart who always obeys her parents...