Chapter 12

67 13 16
                                    

Yasmine

After naming kumain, inaya niya akong umuwi ng davao just for two days. Miss ko na rin sila Mommy kaya pumayag na agad ako. At ngayon ay nagbabyahe na kami papunta kung saan hapon na n’ong dumating kami rito sa Davao, hindi ko kasi alam kung saan ako dadalhin nitong si Martin but I know hindi naman niya ako ipapahamak and I trust him a lot.

Hindi na rin ako nagtanong pa, at mas pinili ko na lang ang manahimik at pinikit na lang ang dalawa kong mata.

“You can sleep for a while Yas, medyo malayo-layo pa naman ang pupuntahan na’tin,” Martin said, tinignan ko naman at ito tsaka siya nginitian ng tipid, sinunod ko na lang ang sinabi nito.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog at nagising na lang ako ng maramdaman kong huminto na ang sasakiyan.

“Nasaan tayo?” tanong ko at nilibot ang paningin sa paligid.

Napabuntong hininga naman ng wala akong makitang ilaw sa paligid, gabi na pala.

“Ah, labas na tayo,” aniya at lumabas na sa sasakiyan.

Hindi ko namang maiwasang matakot dahil sa sobrang dilim.

Pinagbuksan ako ni Martin ng pinto ng sasakiyan at tsaka inalalayan palabas. Ano ba ’yan, nawawala ba kami? Imposible naman no’n alam kong kabisado ni Martin ang mga lugar na pinupuntahan nito.

Nagulat naman ako ng bigla nitong lagyan ng piring ang aking mga mata, “Martin, ano ba ang nangyayare?” nagtataka kong tanong sa kaniya.

Wala akong nakuhang sagot kundi ang tawa lang nito, aba’y ang ganda naman niyang kausap.

“Don’t worry, hindi naman kita papabayaan,” saad nito.

Hindi na ako nagsalita pa dahil dahan-dahan na kaming naglalakad papunta kung saan. “Just trust me, love. . .”

Kahit na gulong-gulo ay sinunod ko lang ang sinabi nito, kapag may mangyare masama sa amin kasalanan ito ni Martin.

“Malayo pa ba tayo?” tanong ko. Kahit na nakakailang hakbang pa lang kami ay naiinip na ako, gusto ko ng tanggalin ang piring sa mata ko ngunit pinigilan ako nito.

“Malapit na,” aniya kaya tumango naman ako.

Nakakainip naman nito, what if may binabalak itong masama sa akin itong lalaki na ’to? Pero sabi niya trust him daw, ano ba ’yan naiinip na talaga ako.

Patuloy lang kami sa paglalakad, at tanging paghinga namin at huni ng mga dahon sa paligid ang aking naririnig.

Maraming dahon? I shrugged. “Malayo pa ba?” tanong ko ulit sa kaniya.

“Malapit na, kalma ka lang,” sambit nito habang tumatawa ng mahina.

Umiling na lang, naiinip na talaga ako.

Huminto na kami sa paglalakad at may nararamdaman akong mga bato, ay hagdan ba ’to?

“Akyat lang tayo,” aniya at sinabayan ko naman ito sa paghakbang.

“Stop!” he said kaya huminto rin naman ako.

“Nandito na tayo?” tanong ko pero wala akong nakuhang sagot dito.

Aba’y pipe ba ’tong lalaki na ’to at hindi marunong sumagot sa tanong? Umirap naman ako kahit na may piring ang mata ko ay nakabukas naman ito, pero syempre wala akong nakikita dahil madilim ang paligid.

“Martin?” tawag ko sa pangalan nito ngunit wala akong nakuhang sagot sa kaniya.

Nagsimula naman akong kabahan ng maramdaman kong wala na akong kasama kaya dahan-dahan kong tinanggal ang piring ko.

Run Into my Arms (TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now